Buy order not fully allocated on GBonds
Kapag nag-place ka ng Buy Order para sa Pre-Sale GBonds, pwedeng hindi mo makuha yung full amount na gusto mo. Depende ito sa kung ilan lang ang available na bonds.
Makakakuha ka ng email within 2 business days bago ang issue date. Sa email, makikita mo kung ang order mo ay:
- Fully Allocated – Makukuha mo ang lahat ng bonds na in-order mo.
- Partially Allocated – Makukuha mo ang ilan lang sa bonds.
- Not Awarded – Wala kang makukuhang bonds.
Kapag ang order mo ay partly given o hindi nabigyan, ang sobrang pera ay ibabalik sa GBonds wallet mo within 1 business day. Pwede mo ulit gamitin ang perang ito para gumawa ng panibagong Buy Order sa GBonds.