Bakit iba yung amount ng PHP sa GCash transaction history ko at sa confirmation email ng Bonds.ph?
Ang GBonds platform ay gumagamit ng super-precise na calculations (hanggang 9 decimal places) sa likod ng sistema para ma-ensure na ang yields, fees, at investments mo ay accurate as possible.
Pero kapag nakikita mo ang total amounts sa pesos (PHP) sa account mo, sa transaction history, sa portfolio, at sa email confirmations mo (tulad ng "Confirmation of Purchase" o "Confirmation of Sale"), dalawang decimal places lang ang pinapakita namin.
Dahil dito, ang PHP amounts na makikita mo ay maaaring slightly different—ng napaka-liit na amount lang, hindi hihigit sa PHP0.01 para sa bawat type ng fee—kumpara sa exact calculation. Maaari mo itong mapansin kapag nag-check ka sa GBonds o sa transaction confirmation emails mo.
Ang actual transaction records ay calculated nang may complete accuracy (lahat ng 9 decimal places) at correctly tracked sa aming system.