Paano mag-withdraw mula sa GBonds account
Bago mag-withdraw ng pera mula sa inyong GBonds account papunta sa GCash Wallet, i-check muna ang inyong Wallet at Transaction Limits. Kung naabot mo na ang wallet limit, hindi na makakapag-withdraw ng funds mula sa GBonds.
Para mag-withdraw ng pera mula sa iyong GBonds account:
- Sa iyong GBonds dashboard, i-tap ang Withdraw.
- Ilagay ang halagang gusto mong i-withdraw > i-tap ang Next.
- Dapat hindi lalampas sa iyong GBonds wallet balance ang halagang ilalagay mo.
- I-review ang amount > i-tap ang Confirm.
- I-tap ang Send code para makatanggap ng 6-digit OTP sa iyong rehistradong email.
- Ilagay ang OTP > i-tap ang Submit.
Kung successful ang withdrawal mo, agad itong ipo-process. Makakakita ka ng confirmation screen at ang bago mong GBonds balance. Makakatanggap ka rin ng confirmation email.