Paano mag cash-in o top-up sa GBonds account
Bago ka makabili ng bonds sa GBonds, kailangan mo munang mag-add ng funds sa inyong GBonds account gamit ang inyong GCash Wallet. Walang top-up limit para sa GBonds, pero siguraduhin na i-check mo muna ang inyong GCash Wallet at Transaction Limits. Kung naabot mo na ang inyong limit, hindi ka makakapag-top up mula sa inyong GCash wallet.
Sundin ang steps para mag-top up sa GBonds account mo:
- Sa GBonds dashboard, i-tap ang Top Up.
- I-enter ang amount na gusto mong i-add, tapos i-tap ang Next.
- Dapat ang amount ay less than or equal sa GCash Wallet balance mo.
- I-review ang amount > i-tap ang Confirm.
Real-time na mapo-process ang top-up mo. Makakakita ka ng confirmation screen sa app at makakakuha ka rin ng confirmation email.