Hindi makapag-transfer ng funds mula sa GCash for Business Wallet
Paalala:
Hindi na maaaring i-cancel ang transfers kapag na-submit na. Kung nagpadala ka sa maling account, kailangan mong direktang kontakin ang bangko ng recipient para humingi ng refund. Palaging i-check nang mabuti ang account details bago magpadala.
Maaaring mag-fail o hindi agad mag-reflect ang iyong transfer dahil sa ilang dahilan kapag nagpapadala ng pera mula sa iyong GCash for Business (G4B) wallet.
Common reasons and what you can do
Piliin ang situation na match sa iyong transaction para malaman ang dapat gawin:
I-check ang user role: Sa Premium wallets, kailangan ng Merchant Super Admin role para makapag-transfer. Nakatago ang button na ito para sa Viewers at iba pang non-admin roles. Kontakin ang iyong Super Admin para ma-update ang access mo.
I-confirm ang account: Siguraduhing naka-log in ka sa tamang business portal profile.
Kung lumabas ang "We couldn't process your transfer" at hindi naman nabawasan ang iyong balance, i-check ang mga sumusunod:
Format ng recipient name: Dapat ay 35 characters o mas kaunti ang pangalan ng account at walang special characters o symbols.
Destination details: Siguraduhing tama at supported ang bangko o e-wallet details ng recipient.
Available balance at limits: Siguraduhing may sapat kang balance at hindi mo pa naabot ang iyong daily sending limit.
Internet connection: I-refresh ang browser at sumubok ulit gamit ang stable na internet.
I-check ang wallet status: Pumunta sa Transactions tab. Kapag ang status ay "Success," ibig sabihin ay lumabas na ang pera sa iyong GCash wallet.
-
Maghintay sa bank clearing schedule: Nagke-credit ang mga bangko ng PESONet transfers nang pa-batch tuwing banking days:
Naipadala bago mag-cut-off (banking days): Karaniwang dumarating sa parehong araw.
Naipadala pagkatapos ng cut-off, weekends, o holidays: Darating sa susunod na banking day.
I-check ang transaction history: Tingnan sa Transactions tab kung may duplicate na bawas para sa parehong halaga at recipient.
Huwag subukang mag-send ulit: Ilista ang dalawang Transaction Reference Number at kontakin ang GCash for Business Merchant Support.
I-check muna bago magpadala ulit: Huwag munang subukang mag-transfer muli. Buksan muna ang Transactions tab.
I-verify ang status: Kung "Success" ang nakalagay, pumasok ang transfer kahit na hindi lumabas o nag-load ang confirmation screen.
Need more help?
Kung hindi mo pa rin makumpleto ang transfer pagkatapos gawin ang mga hakbang na ito, kontakin ang GCash for Business Merchant Support.
Isama ang:
Registered Business Name
Registered Business Email Address
Transaction Reference Number (kung may nabawas na pera)
Date at Time ng Transfer
Transfer Amount
Screenshot ng error o receipt