Wallet Tiers, Limits & Transfer Fees
Paalala:
Kung na-onboard ka sa GCash for Business bago ang September 1, 2026, ang iyong Tier 2 wallet ay may benefits ng Starter Wallet.
May dalawang wallet tiers na ino-offer ang GCash for Business para sa mga bagong merchants: Starter at Premium. Nakadepende sa wallet tier mo ang iyong wallet limits, dami ng branches at portal users, at mga available na products.
Wallet at Transaction limits
Effective September 1, 2026, ito ang mga limits na sinusunod:
Wallet tier details
Transfer Limits, Fees, at Processing Times
Important reminders
- Ang available balance mo lang ang pwedeng i-transfer. Chine-check ang bawat transfer laban sa natitira mong limit bago ito mag-proceed.
- Sakop ng monthly wallet limit ang kabuuang halaga ng perang pumapasok sa wallet mo sa loob ng isang calendar month.
- Libre ang fund transfers papunta sa ibang GCash for Business merchants at sa mga banks at e-wallets gamit ang PESONet. Walang transfer fees na babayaran.
FAQs
Wallet tiers
Pagkatapos mong sagutan ang business profile questions, magsa-suggest ang portal ng wallet tier para sa business mo. Pwede mo pa ring piliin ang tier na gusto mo.
Paano ito gumagana:
- Iche-check ng portal ang mga sagot mo at mamarkahan ang isang tier bilang Recommended.
- I-select ang View More Details (ang ⓘ icon) para ikumpara ang mga tiers.
- I-select ang Choose Tier para sa tier na gusto mo. (Pwede kang pumili ng ibang tier bukod sa recommended tier, basta pasok ka sa requirements nito.)
Awtomatikong nag-a-apply ang mga limits base sa wallet tier mo. Hindi mo na kailangang mag-submit ng bagong documents, gumawa ng karagdagang verification steps, o magbayad ng bagong fees para makuha ang mga ito.
Naka-set ang limits per wallet tier. Para makakuha ng mas mataas na capacity, kailangang lumipat ng business mo sa mas mataas na tier at matugunan ang standard tier at verification requirements.
PESONet transfers
Agad na ibinabawas ang pera sa GCash for Business wallet mo pagka-submit at minamarkahan bilang Success. Ike-credit naman ito ng receiving bank o e-wallet ayon sa standard PESONet clearing batch cycles.
Nakadepende ito kung kailan mo ipinadala ang request:
- Ipinadala bago ang cut-off (banking days): Kadalasang dumarating sa parehong araw.
- Ipinadala pagkatapos ng cut-off, tuwing weekends, o holidays: Dumarating sa susunod na banking day.
Transfer limitations
Hindi. Hindi ka pwedeng mag-transfer ng pera mula sa personal bank o e-wallet direkta papunta sa G4B wallet mo. Tumatanggap lang ang wallet mo ng funds mula sa customer payments (QR at cards) o mula sa ibang G4B merchants.
Hindi. Kapag na-confirm mo na ang transfer, hindi na ito pwedeng i-cancel o i-reverse. Laging i-double check ang account name at account number bago mag-tap ng submit.
Need more help?
Kung nakakaranas ka ng issue, mag-contact sa GCash for Business merchant support at isama ang:
- Registered Business Name
- Registered Business Email Address
- Malinaw na paglalarawan ng issue
- Transaction Reference Number at screenshot ng transaction receipt