Multiple charges for scan QR payment
Kung na-deduct ka ng dalawang beses para sa isang payment:
- I-confirm muna kung ano ang makikita mo sa transaction history mo.
- I-check ang next steps sa baba:
Option A: Only one transaction
Kung na-charge ka ng dalawang beses pero isa lang ang kita sa history mo, yung isang payment ay chine-check pa.
Yung extra amount ay automatic na mare-refund after 24 to 48 hours. Please wait for your refund.
Option B: Two transactions
Kung dalawang charges ang nagreflect, please contact support sa GCash app:
- Go to Transactions
- Select your QR payment
- Tap Get Help > “I was charged more than once for my transaction”
Important Reminders:
- Mag-file ng isang ticket para sa BAWAT charge. Huwag pagsamahin sa isa. Ang bawat charge ay may unique Reference ID na kailangan naming i-track.
- Nakakatulong ito sa team namin para ma-check with the merchant kung alin ang valid payment at alin ang pwede naming i-refund.
- I-attach ang screenshot ng bawat charge.
- I-check ang mga tickets mo. Usually, may isa na mare-reject (yung valid payment). Yung duplicate, iko-confirm for reversal.