Report a scam
Ang scam transaction ay kapag may nanloko sa'yo para magpadala ka ng pera sa kanila. Kung nangyari ito gamit ang GCash, sundin ang steps na ito:
- I-report agad ang scammer sa authorities (PNP o NBI).
- I-report din agad sa GCash:
- Mag-log in sa GCash app mo
- Pumunta sa Transactions
- Piliin ang specific na transaction na gusto mong i-report (i-tap ang Load More sa transaction history para makita ang mas lumang transactions)
- I-tap ang Get Help > Report as scam
- Sagutan ang ticket form
- I-tap ang Submit
- I-block ang scammer sa SMS o social media.
Sa pag-submit ng report, ina-acknowledge mo na:
Any person who, with malice or in bad faith, reports or files completely unwarranted or false information that results in the temporary holding of funds may be held criminally liable for malicious reporting under Section 11, in relation to Section 16(e), of the Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).
Pagkatapos mong mag-report, rerebyuhin ng support team namin ang case mo at makikipag-ugnayan sa iyo sa loob ng 24 oras. Tandaan na hindi garantisado ang pagbabalik ng na-scam na funds.