Paano mag-enable ng biometrics
I-set up ang Biometrics Login para sa mas mabilis at secure na login gamit ang fingerprint or face scan. Para i-enable:
- Sa GCash app, i-tap ang Settings > Biometrics Login.
- Pindutin ang Enable Biometrics Login.
- Ilagay ang 6-digit code na matatanggap mo sa iyong GCash number.
- Makakakita ka ng confirmation kung activated na.
Paalala:
Kung tatlong beses nag-fail ang Biometrics login, gamitin ang MPIN para mag-log in. Magiging disabled ang Biometrics login kapag nag-reset ka ng MPIN.