Paano mag-withdraw mula sa eC-Savings GSave account?
Bago mag-withdraw ng funds mula sa eC-Savings GSave account papunta sa GCash Wallet mo, siguraduhin na hindi pa naabot ang Wallet and Transaction Limits. Kung naabot mo na ang limit, hindi ka pwedeng mag-withdraw ng funds.
- Sa eC-Savings GSave dashboard, piliin ang Withdraw
- Ilagay ang amount na gusto mong i-withdraw at i-tap ang Next
- I-review at i-confirm ang amount na gusto mong i-withdraw, at pindutin ang Confirm
- Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa GCash-registered mobile number, at i-tap ang Submit
- Matapos mag-withdraw, mapupunta ka sa isang confirmation page kung successful ang transaction. Matatanggap ang funds sa GCash Wallet mula sa eC-Savings GSave account in real-time.
Paalala: Ang withdrawal mula sa eC-Savings GSave account ay HINDI makakaapekto sa wallet limits.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: