Paano mag-schedule ng bills payment sa GCash?
Pwedeng mag-schedule ng hanggang five (5) billers mula sa Partner Billers list. Pwedeng i-automate ang monthly bills mo gamit ang payment scheduling para makaiwas sa late payments, makatipid ng oras, at ma-track ang scheduled transactions nang mas madali.
Siguraduhin na ang GCash account ay may sapat na balance by 12 AM sa payment date.
Kung late na nag-cash in sa araw ng payment, o kung nag-fail ang scheduled payment, magiging automatically canceled ito, at kailangan mo i-process ito manually.
Paano Mag-schedule ng Bills Payment
- Sa GCash App, pindutin ang Bills > Manage Scheduled Bill Payments
- Piliin ang Add Biller at ang preferred biller
- Pindutin ang Input Payment Schedule
- Ilagay ang preferred payment schedule at i-tap ang Set Schedule > Next
.
- I-review ang details at pindutin ang Confirm
Kapag natapos na, makikita ang scheduled bill payment sa Pay Bills page
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano mag-add/save ng favorite billers sa GCash?
- Paano magbayad ng bills gamit ang GCash?
- Magkano ang transaction fee para sa bills payment sa GCash?
- Hindi ko mabayaran ang bills ko gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?
- Nagbayad ako ng bills sa GCash pero mali ang nalagay kong details. Anong dapat kong gawin?