Paano bumili ng Grab/Angkas driver voucher
Paalala:
Ang Grab at MoveIt driver vouchers ay available exclusively sa GLoad section ng GCash app at hindi na ito accessible via GBills.
Bumili ng vouchers para i-top up ang inyong Grab o MoveIt wallet. Ang service na ito ay para lang sa official drivers ng Grab at MoveIt.
Paano mag top up gamit ang GLoad
- Pindutin ang Load sa GCash app at pumunta sa Subscriptions
- Hanapin ang “Grab/MoveIt Driver Voucher”.
- Ilagay ang mobile number na magrereceive ng voucher.
- Piliin ang amount ng Driver Voucher na bibilhin.
- Siguraduhing tama ang mga info at i-tap ang Buy Now.
Makukuha mo ang top up voucher code sa mobile number na nilagay mo.
Hindi ko natanggap ang voucher code
Kung hindi mo pa nakuha ang voucher code sa text, click here para mag-contact ng support.