Hindi ko alam o kilala ang Pay Online transaction o subscription sa GCash ko. Anong dapat kong gawin?
Kung may hindi familiar na charge sa account mo, posibleng naka-link ito sa previous subscription o free trial with auto-debit mula sa platforms katulad ng Google Play Store o Apple Store.
Ito ang dapat mong gawin:
- Review Subscriptions: Regular na i-check ang apps mo para sa mga active subscriptions o auto-payments.
- Identify Unauthorized Charges: Kung wala kang active subscriptions, basahin dito kung paano mag-spot at mag-report ng mga unauthorized transactions.
Kung kailangan mong mag-cancel ng subscription o mag-unlink ng GCash account, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Paano i-cancel ang subscriptions
Google Play Store
- Sa Android device, pumunta sa Google Play at pindutin ang account mo sa upper right
- Pindutin ang Payments and Subscriptions > Subscriptions
- Piliin ang subscription na gusto mong i-cancel
- Pindutin ang Cancel subscription
- Sagutan kung bakit mo ititigil ang subscription. I-tap ang Continue
- Basahin ang mga details at i-tap ang Cancel subscription
Mapupunta ka sa subscription page ng app, kung saan makikitang “Canceled” na ang subscription.
Paalala:
Kapag nag-uninstall ka ng app, hindi titigil ang subscription mo
App Store
- Buksan ang Settings app.
- I-tap ang pangalan mo.
- Pindutin ang Subscriptions
- I-tap ang subscription.
- Pindutin ang Cancel Subscription. Minsan, kailangan pang mag-scroll pababa para makita ang Cancel Subscription button. Kung walang Cancel button o may expiration message na kulay pula, ibig sabihin canceled na ang subscription mo.
Spotify
- Buksan ang web browser at mag-log in sa Spotify
- Pindutin ang Manage your Subscription
- Piliin ang Cancel subscription
.
- Magpatuloy sa confirmation page
Premium pa rin ang subscription mo hanggang sa next billing date. Pagkatapos nito, magiging free ang account mo.
Paalala:
Kung nag-cancel ka during a zero-priced free trial period, magiging free service kaagad ang account mo. Hindi na pwede i-reactivate ang zero-priced free trials.
Netflix
- Buksan ang web browser at mag-log in sa Netflix
- Pumunta sa profile picture at pindutin ang Account
- I-tap ang Manage Membership > Cancel Membership
- Basahin ang details ng cancelation mo at piliin ang Finish Cancellation
Foodpanda
- Sa Foodpanda app, i-tap ang Account
- Pindutin ang Subscription > I would like to unsubscribe
Pagkatapos mong i-cancel ang subscription, pwede mo pa rin i-enjoy ang mga benefits hanggang matapos ang current subscription period mo.
Kung kailangan mo pa rin ng tulong sa pag-cancel ng subscription mo, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: