Hindi natanggap ng merchant ang payment confirmation noong gumamit ako ang Scan to Pay. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi natanggap ng merchant ang iyong bayad o wala kang natanggap na SMS confirmation pagkatapos gamitin ang Scan to Pay, sundin ang mga steps na ito:
1. I-check ang Iyong GCash Transaction History
Buksan ang iyong GCash app at pumunta sa Transaction History para kumpirmahin kung successful ang payment. Kung nandiyan ito sa history mo, ibig sabihin credited na ang bayad sa wallet ng merchant.
2. I-share ang QRPH Invoice Number sa Merchant
Pumunta sa GCash App Inbox mo para makita ang QRPH Invoice Number na naka-link sa transaction. I-share ito sa merchant para ma-verify nila ang payment sa kanilang side.
Kung hindi pa rin tinanggap ng merchant ang bayad
- Buksan ang iyong GCash, at i-tap ang Transaction
- Piliin ang specific transaction at i-tap ang Merchant didn't receive this payment para mag-submit ng ticket.
Pagka-submit ng ticket, ang dispute mo ay rereview-hin at va-validate ng merchant o kanilang partner bank. Pwedeng tumagal ito ng 10-12 business days.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: