Paano mag-withdraw mula sa GCrypto Trading Wallet
Kapag nag-withdraw mula sa GCrypto Trading Wallet, ang crypto funds ay nalilipat sa GCash Wallet. Siguraduhin na pasok ka pa rin sa GCash Wallet Transaction Limits para maiwasan ang issues sa transaction.
Paano mag-withdraw mula sa GCrypto Trading Wallet:
- Sa GCrypto dashboard, i-tap ang Withdraw
- Ilagay ang amount > i-tap ang Continue
- Ilagay ang OTP na na-send sa GCash number mo > i-tap ang Submit
Makakakita ka ng confirmation message kapag successful na.
Kadalasan, natatapos ang withdrawals within a few minutes. Pwede itong ma-delay kapag sabay-sabay na maraming tao ang gumagamit ng network (blockchain congestion). Sa ilang bihirang cases, pwedeng i-review o i-confirm muna namin ang withdrawal mo, na pwedeng umabot ng 1–2 hours.
Para ma-check ang withdrawals mo, pumunta sa GCash Inbox at Transaction History.