Paano mag-cash in sa GCrypto Trading Wallet
Ang pag-top up sa GCrypto Trading Wallet mo ay pagdagdag ng funds na magagamit mo para bumili ng cryptocurrency. Siguraduhin na pasok ka pa rin sa GCash Wallet Transaction Limits para maiwasan ang issues sa transactions.
Paano mag-top up sa GCrypto Trading Wallet:
- Sa GCrypto dashboard, i-tap ang Top Up.
- Ilagay ang amount > tap Continue.
- I-check ang details > tap Pay.
May lalabas na message na kumpirmadong successful ang top-up mo. Para makita ang mga top-up mo, i-check ang GCash Inbox at Transaction History.