Can't send money with Express Send
Kung may error kang nakikita kapag nagsesend ka ng money, sundin itong steps base sa message na lumabas:
Tanungin ang recipient kung naabot na nila ang wallet limit nila. Pwede ka mag-try mag-send ng mas mababang amount o gumamit ng Bank Transfer.
I-review ang limits mo: Tap Profile > Profile Limits. Para sa mas mataas na limits, sundin ang steps to increase your limits.
Ibig sabihin naabot mo na ang maximum number ng send & receive transactions gamit ang Express Send.
Magre-reset ang limit mo sa first day ng bawat month.
Kung kailangan mong mag-transfer ng funds sa ibang GCash account kaagad, pwede mong gawin ang mga ito:
- Mag-add ng funds sa GCash wallet via Cash In
- Mag-transfer sa bank account o e-wallet gamit ang Bank Transfer
- Kung ikaw ay merchant: Mag-sign up sa GCash Pera Outlet.
Ginagawa ito para maiwasan na makapag-send ka ng double sa parehong recipient.
Maghintay ng at least 5 minutes bago ulitin ang transaction. Pwede mo ring i-check ang Transactions page para makita kung successful na ito.
Kung makakita ka ng errors tulad ng REF: 2631 00AF o REF: 6948, 2631:
- I-force close ang GCash app.
- I-on ang Airplane mode for 30 seconds, tapos i-turn off.
- Magpalit sa WiFi o mobile data para sa internet.
- I-open ulit ang app.
Pwede ka lang mag-send ng money sa active at valid na number. I-double check ang details tapos subukan ulit.
Ibig sabihin on hold ang account ng recipient. Subukan mag-send sa ibang users at tingnan kung andun pa rin ang error. Pwede mo rin i-try gamitin ang Bank Transfer.
Wala dito ang error na nakikita mo?
Sundin ang steps na ito para i-troubleshoot ang app mo.
Kung nagawa mo na iyon pero hindi ka pa rin makapag-send money, click here para mag-contact ng support. Siguraduhin na tama ang error na ise-select mo para mas matulungan ka namin. Magre-reach out sa'yo ang support team namin within 24 hours.