Hindi ko ma-access ang GSave sa GCash app. Anong dapat kong gawin?
Bago ka magsimula, i-check muna ito:
- Kung hindi mo natatanggap ang OTP para sa pag-withdraw sa GSave by CIMB, click here for steps to fix it.
- Kung hindi mo pa rin natatanggap ang OTP pagkatapos sundin ang mga hakbang, click here to contact support.
Kung hindi mo ma-access ang GSave account mo
Maaaring dahil ito sa alinman sa mga sumusunod:
Nagiging dormant ang account kapag walang transaction sa loob ng ilang buwan. May PHP 30 Dormancy Fee para sa mga dormant account.
Dormancy timelines:
- GSave by CIMB: 24 months
- #MySaveUp by BPI: 24 months
- EzySave+ by Maybank: 24 months
- #UNOReady@GCash by UNO Bank: 24 months
- eC Savings by Cebuana Lhuillier Bank:
- Ang account na may laman pero walang transaction sa loob ng 24 months ay magiging dormant. Para i-reactivate, simply make any deposit.
- Ang account na walang transaction at walang laman sa loob ng 3 magkakasunod na buwan ay automatic na isasara.
Ano ang maaari mong gawin
- Magdeposit ng anumang halaga para automatic na ma-reactivate ang dormant account mo. Kasama rito ang eC Savings account na may laman pero walang activity.
Maaaring hindi mo ma-access ang account mo kung kulang o outdated ang personal information mo. Halimbawa, expired ang iyong ID o luma na ang contact details mo.
Ano ang maaari mong gawin
- Sundin ang mga prompt sa GCash app o sa app ng partner bank para ma-review at ma-update ang iyong information.
- Siguraduhing kumpleto at tama ang lahat ng hinihinging detalye.
Maaaring sarado na o expired na ang GSave account mo.
Ano ang maaari mong gawin
- Makakatanggap ka ng notification kung malapit nang magsara o mag-expire ang account mo.
- Kung sarado na ang account mo, ligtas pa rin ang iyong funds.
- I-withdraw ang funds mo gamit ang app ng partner bank.
Maaaring hindi mo mabuksan ang GSave account mo kung may system maintenance o downtime ang partner bank.
Ano ang maaari mong gawin
- Subukan ulit pagkatapos ng maintenance o downtime.
Kung ginagamit mo ang CIMB Bank app at hindi mo makita ang GSave by CIMB account mo, maaaring hindi ito properly linked.
Ano ang maaari mong gawin
- Buksan ang CIMB Bank app at siguraduhing naka-link ang GSave by CIMB account mo.
- Kung hindi pa rin ito lumalabas, makipag-ugnayan sa CIMB Bank para sa karagdagang tulong.
Still need help?
Kung wala sa mga nabanggit ang iyong problema at hindi mo pa rin mabuksan ang GSave account mo, click here to contact support. Makikipag-ugnayan sa iyo ang aming team sa loob ng 24 oras.