Paano mag-withdraw mula sa EzySave+ by Maybank account?
Para mag-withdraw ng funds mula sa EzySave+ by Maybank account, sundan ang mga steps na ito:
- Sa EzySave+ by Maybank dashboard, pindutin ang Withdraw
- Ilagay ang halagang gusto mong i-withdraw > Next
- I-review at i-confirm ang amount > Confirm
- Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa GCash-registered mobile number > Confirm.
Kapag successful ang transaction, makikita mo ang confirmation page. Automatic na malilipat ang pera mula sa EzySave+ by Maybank account mo papunta sa GCash Wallet in real time.
Pwede kang mag-withdraw from EzySave+ papunta sa GCash account mo kahit lumampas pa ito sa wallet o incoming limits mo. Pero, mag-aapply pa rin ang standard GCash limits kapag gumamit ka ng ibang features at services.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: