Pwede ba akong magbukas ng EzySave+ by Maybank account?
Ang EzySave+ ay isang Maybank–GCash savings account sa GCash app. Pwede kang mag-earn ng 0.1875% per year mula PHP 0.01, makakuha ng libreng life insurance up to PHP 1,000,000 kapag may PHP 50,000 kang average daily balance, at mag-enjoy ng libreng BancNet ATM withdrawals nationwide.
Sino ang pwedeng mag-open ng EzySave+ account?
Pwede kang mag-open kung ikaw ay:
- At least 18 years old
- Isang Filipino citizen
- Isang Fully Verified GCash user
- May at least isang (1) valid government ID
- Gumagamit ng PH-based SIM
- Makakapag-upload ng photo ng tatlong (3) signatures sa papel
- Wala pang existing na Maybank EzySave+ account
Paano mag-open ng EzySave+ sa GCash
- Pumunta sa GSave > EzySave+ by Maybank.
- I-tap ang I agree > Open EzySave+ Account.
- I-upload ang photo ng iyong valid ID at tatlong (3) signatures.
- I-enter ang iyong details at i-accept ang Maybank’s Terms and Conditions.
- I-enter ang 6-digit authorization code na na-send sa iyong GCash number.
- I-verify at i-activate ang account mo through the MAYBANK2U PH app. Kapag may lumabas na “Branch Verification Required,” kailangan mong pumunta sa Maybank branch na may dalang valid ID para ma-verify.
Important reminders
- Kung hindi pa fully verified ang account mo, maaari ka lang mag-deposit ng total na PHP 100,000.
- Kapag fully verified na ang account mo, pwede ka nang mag-deposit ng kahit magkano agad.