Cashed in to the wrong number
Kung nagtransfer ka ng pera mula sa bank o e-wallet mo papunta sa maling GCash account, i-contact agad ang bank o e-wallet mo. Bawat provider ay may sariling refund policy.
What to do:
- Kunin ang transaction receipt o confirmation mo.
- I-contact directly ang provider para mag-request ng refund. Ang provider ay ang issuing bank, e-wallet, o ECPay (kapag nag-cash in ka sa GPO).
- Ang provider ang makikipag-coordinate sa GCash.
- Hintayin ang update nila. Depende ang refund processing time sa investigation nila.
Note: Hindi masisimulan ng GCash ang refund nang walang coordination mula sa issuing bank o e-wallet mo.
Kung kailangan mo pa ng tulong, mag-log in sa GCash app at makipag-chat kay Gigi.