Paano mag-cash in sa bank via Instapay Cash In
Bago ka mag cash in
- Pwede mong gamitin ang InstaPay Cash In para magdagdag ng pera sa GCash account mo direkta sa app. Mag-log in lang gamit ang bank account mo, i-link ito, tapos i-top up ang GCash mo.
- Mananatiling pareho ang GCash cash-in fees para sa InstaPay. Pero may mga banks na pwedeng magbago ng sarili nilang fees. Makipag-ugnayan sa bank mo para sa current fees nila.
- I-check muna ang Wallet and Transaction limits mo. Ang InstaPay Cash In ay may limit na PHP 50,000 per transaction.
- Siguraduhin na naka-link ang bank account mo sa GCash.
How to cash in via Instapay
- Sa GCash app, i-tap ang View All.
- I-tap ang Cash In > Local Banks.
- Piliin ang BPI o UnionBank.
-
Ilagay ang amount, tapos i-tap ang Next.
- Sundin ang mga steps sa webpage ng partner bank para makumpleto ang cash in mo.
Kapag successful na, makakatanggap ka ng confirmation via push notification at email. Mag-uupdate agad ang balance mo.
Kung nag-fail ang cash in, ang total amount, kasama ang fees, ay ibabalik sa bank account mo.