Paano magbayad gamit ang QRPH sa GPO
Ang mga official GCash Pera Outlets ay tumatanggap na ng bayad via QRPH. Ang QRPH ay isang safe at secure na paraan ng pagbabayad dahil regulated ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sundin ang mga steps sa ibaba para makapagbayad gamit ang QR sa pinakamalapit na official GCash Pera Outlet:
- Hanapin ang official GCash Pera Outlet na may QRPH standee.
- Buksan ang GCash app, pagkatapos ay i-tap ang QR.
- I-scan ang QR code ng merchant.
- Ilagay at i-check ang payment details, pagkatapos i-tap ang Pay.
Makikita mo ang iyong QR payment transaction sa Transaction History.