Sobra o doble ang na-charge para sa QR payment sa GPO. Anong dapat kong gawin?
Kung nabawasan ka nang higit sa isang beses para sa iisang QR payment, i-confirm muna ang makikita sa iyong Transaction History:
Option A: Isang transaction lang ang nakikita
Kung na-charge ka nang dalawang beses pero isa lang ang nakikita sa iyong history, kasalukuyan pang chine-check ang isa pang payment.
Ang extra amount ay kusa namang ma-re-reverse sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Option B: Dalawang transactions ang nakikita
Kung parehong charges ang lumalabas sa iyong Transaction History, makipag-ugnayan sa support sa GCash app:
- Pumunta sa Transactions.
- Piliin ang iyong QR payment.
- I-tap ang Get Help > “I was charged more than once for my transaction.”
Important reminders
- Mag-file ng isang ticket para sa bawat charge.
- Huwag pagsamahin ang mga charge sa iisang ticket.
- Ang bawat charge ay may unique Reference ID na kailangan naming i-track.
- Makakatulong ito para ma-check ng aming team kasama ang merchant kung alin ang valid na payment at alin ang maaari naming i-refund.
- Mag-attach ng screenshot ng bawat charge.
- I-check ang iyong mga ticket para sa updates.
- Kadalasan, ang isang ticket ay mare-reject dahil valid ang payment, habang ang duplicate charge naman ay iko-confirm para sa reversal.