Paano gumawa ng GCrypto account
Ang GCrypto ay isang feature kung saan pwedeng bumili, magbenta, at mag-manage ng cryptocurrency via the GCash app. Ito ay isang simple at secure na paraan para mag-explore ng digital assets at mag-build ng portfolio gamit ang GCash account mo. Para malaman kung aling mga bansa ang supported para sa verification o cash in gamit ang GCrypto, bisitahin ang official website ng PDAX.
Sino ang qualified magbukas ng GCrypto account
Qualified kang mag-open ng GCrypto account kung:
- Ikaw ay at least 18 years old
- Ikaw ay isang Fully Verified na GCash user
- Na-update mo ang profile mo sa loob ng huling 3 taon
- May verified email address ka
Paalala:
Ayon sa Terms and Conditions, pwede ka lang magkaroon ng isang GCrypto account. Kapag ang email mo ay naka-link na sa isang GCrypto account, hindi ka na pwedeng mag-open ng panibago.
Paano gumawa ng GCrypto account
Kung pasado ka sa mga requirements, sundin ang steps na ito:
- Sa GCash app, i-tap ang GInvest > GCrypto.
- I-tap ang Get Started.
- I-enter ang 6-digit authentication code > i-tap ang Submit > I Agree.
- Sagutan ang mga Risk Profile questions > i-tap ang Submit.
- Basahin at i-agree ang Terms and Conditions at Privacy Policy.
- I-tap ang Go to GCrypto.
Kung walang issues, ang GCrypto account mo ay ma-a-approve agad.
Kung may mga issue, makakakuha ka ng notification. I-review ang details, ayusin ang mga mali, at i-resubmit ang application mo.