Ano ang GCrypto token page?
Makikita sa GCrypto token page ang presyo ng crypto, galaw ng presyo, iyong holdings, at history ng mga transaction.
GCrypto token page features
I-tap nasa ibaba para mas malaman pa ang tungkol sa mga feature.
- Buksan ang GCash app.
- I-tap ang GInvest > GCrypto.
- I-tap ang Market.
-
I-tap ang crypto na gusto mong tingnan.
Makikita sa page ng token ang:
- Midmarket price: Kasalukuyang market price ng crypto.
-
24-hour change: Pagbabago ng presyo sa nakalipas na 24 oras.
- Ang green indicator na may pataas na arrow ay nangangahulugang tumaas ang presyo.
- Ang red indicator na may pababang arrow ay nangangahulugang bumaba ang presyo.
- My Holdings: Kasalukuyang value ng crypto na hawak mo, dami ng crypto na pagmamay-ari mo, at gain o loss mo.
Pwede mong tingnan ang galaw ng presyo sa mga panahong ito:
- 24 oras
- 7 araw
- 30 araw
- 90 araw
-
1 taon
Paalala: Ang available time frames para sa price trend ay depende sa iyong historical data.
Pwede kang pumili sa dalawang chart view:
- Line chart: Nagpapakita ng simpleng galaw ng presyo sa paglipas ng panahon.
- Candlestick chart: Nagpapakita ng opening, highest, lowest, at closing price sa napiling panahon. Mas detalyado nitong ipinapakita ang galaw ng presyo.
Para magpalit ng chart view, i-tap ang chart toggle sa tabi ng Price Change Over Time.
Paalala: Makikita lang ang chart data sa GCash app. Hindi mo ito mada-download o mae-export.
May dalawang tab ang page ng token:
- Token Overview: Nagpapakita ng description ng token, price charts, at Send at Receive buttons.
- Transactions: Nagpapakita ng mga dati mong Buy, Sell, Send, at Receive transaction para sa napiling crypto.
Ang Transactions tab ay para lang sa crypto na tinitingnan mo. Para makita ang lahat ng GCrypto transaction mo, pumunta sa GCrypto > Transactions.
FAQs
Ang Transactions tab ay para lang sa napili mong crypto. Para makita ang mga transaction para sa lahat ng token mo, pumunta sa GCrypto > Transactions.
Hindi. Sa ngayon, makikita lang ang price chart data sa GCrypto.
Ipinapakita sa chart ang market price para sa napili mong timeframe. Ipinapakita naman sa transaction history ang actual na presyong ginamit noong nakumpleto ang order mo. Pwedeng magkaiba ang mga presyong ito dahil pwedeng magbago ang market price sa paglipas ng panahon.
Hindi makikita ang open orders sa page ng token.
Para tingnan, i-edit, o kanselahin ang active open order:
- Pumunta sa main GCrypto page.
- I-tap ang Transactions > Open Orders.