Paano mag-avail ng GLoan?
Ang GLoan ay isang pre-approved loan para sa mga select users, kung saan pwede kang humiram ng pera na matatanggap mo sa iyong GCash wallet sa loob ng 24 oras pagkatapos ng iyong application.
Para ma-unlock ang GLoan, magpatuloy sa paggamit ng GCash features tulad ng Pay Bills, Buy Load, Cash In, Send Money, GInsure, at GInvest.
Kada linggo ang pag-check ng eligibility, kaya pwede kang mag-qualify sa susunod na linggo.
Paalala:
Hindi available ang GLoan, GGives, at GCredit para sa GCash Overseas users na may international number. Para lang muna sa mga gumagamit ng Philippine mobile number ang mga lending products na ito.
Mga GLoan requirements:
✓ A Fully Verified GCash user
✓ Filipino citizenship
✓ Valid government ID
✓ At least 21 years old
✓ Verified GCash email address
Paalala:
-
Kahit mataas ang GScore mo or matagal ka nang gumagamit ng GCash, hindi ibig sabihin ay automatic na qualified ka.
Kahit dati mo nang na-access ang GLoan, hindi rin guaranteed na magiging qualified ka ulit kasi regular na nire-review ang eligibility base sa profile at activity mo, kaya dapat updated at active pa rin usage mo sa app.
Ang GLoan offers at approval ay dumadaan sa evaluation at hindi guaranteed, kahit na pasado ka sa minimum requirements sa itaas.
Sa GCash homepage, i-click ang Borrow > GLoan.
Depende sa eligibility status mo, mag-iiba ang itsura ng GLoan dashboard na makikita mo sa app:
Eligible User | Ineligible User |
Para malaman kung qualified ka sa GLoan, click here to ask for help.
Sundin ang mga steps na ito para makapag-apply ng GLoan:
- Basahin ang GLoan information > Get Started
- Ilagay ang loan amount at purpose of loan, at i-click ang Get this Loan
- I-review ang loan terms at i-tap ang Continue
- Kumpletuhin ang mga detalye at i-tap ang Next
- I-review ang application > Continue
- Basahin at mag-agree sa Disclosure Statement at Terms and Conditions ng loan at i-click ang Continue
- I-check ang amount > Continue
- Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa iyong GCash-registered mobile number
Kapag nakumpleto mo ang application process, matatanggap mo ang loan sa iyong GCash wallet sa loob ng 24 hours. Makakatanggap ka ng confirmation mula sa GCash via SMS at sa iyong GCash registered email.
Something Went Wrong Error |
Kung na-experience mo ang error na ito, paki-try ulit after ng ilang minuto.
Kapag paulit-ulit pa rin yung error kahit naghintay ka na, o kaya ibang error naman ang lumabas, click here to ask for help. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras. |
Q: Matagal na akong GCash user pero hindi pa rin ako eligible. Bakit ganun?
A: Thank you sa pagiging loyal na GCash user! Ang GLoan offers ay depende sa ilang factors like GScore, overall activity mo sa account, at system evaluation. Kahit matagal ka nang gumagamit, hindi ibig sabihin automatic na eligible ka. Lagi naming nirereview yung account mo, kaya pwede magbago ang eligibility mo anytime.
Q: Eligible ako dati, pero ngayon hindi na. Bakit kaya?
A: Nagbabago ang availability ng GLoan depende sa latest system evaluation sa account mo. Hindi ibig sabihin na permanenteng hindi ka eligible—nirereview ito regularly, at pwedeng bumalik ang offer.
Q: Mataas naman ang GScore ko, pero bakit hindi pa rin ako eligible?
A: Ang GScore ay isa lang sa maraming factors na tinitingnan para sa GLoan eligibility. Tinitingnan din ng system yung usage mo, repayment history, at iba pang internal criteria. Hindi guarantee ang mataas na GScore na may offer ka agad. Ang GLoan ay para sa pre-selected users. Malalaman mong eligible ka kapag may natanggap kang SMS galing sa GCash.
Q: May paraan ba para mas mapabilis maging eligible sa GLoan?
A: System-generated at hindi puwedeng i-manual unlock o mapabilis ang GLoan offers. Best way para tumaas ang chance mo ay maging active sa GCash at siguraduhing updated ang account info mo.
Q: Bakit yung iba, mas mababa ang GScore pero eligible sila tapos ako hindi?
A: Iba-iba ang profile ng bawat user. Hindi lang GScore ang basehan ng GLoan eligibility—maraming ibang factors din na tinitingnan ng system. Laging nirereview ang account mo para i-check ang iyong eligibility.
Q: Bakit mababa ang GLoan limit ko? Pwede bang pataasin ito?
A: Automatic na kinocompute ang GLoan limit base sa profile at system evaluation. Hindi ito pwedeng i-adjust manually. Pero, kung maganda ang repayment behavior mo at tuloy-tuloy ang paggamit ng GCash services, pwedeng tumaas yan over time.
Q: Bakit nagbago o hindi tumaas ang GLoan limit ko kahit laging on time ako magbayad?
A: Thank you sa pagbayad ng maaga! Pero, bukod sa repayment, marami pang ibang tinitingnan ang system para magbago ang credit limit mo. Nirereview ang profile mo regularly, kaya may chance pa ring tumaas ito.
Q: Marami akong GCash numbers. Bakit hindi puwedeng mag-apply ng GLoan gamit ibang number ko?
A: One active GLoan account lang ang puwede per user. Kung may iba kang GCash numbers, sa number lang na naka-link sa current loan mo puwedeng mag-apply o mag-access ng GLoan. Kapag nagka-error sa ibang number, baka may active GLoan ka pa sa ibang account. Para makapag-apply gamit bagong number, kailangan fully bayaran muna yung existing loan mo.
Q: Lagi naman akong active sa GCash, pero bakit parang ang hirap maging eligible sa GLoan?
A: Naiintindihan namin ang concern mo. Maraming factors ang tinitingnan para ma-eligible ka sa GLoan, hindi lang kung gaano ka katagal o ka-active. Pero, kapag tuloy-tuloy kang active at maganda ang standing ng account mo, tataas ang chance mo na mapili.
Need more Help?
Para sa katanungan o karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles dito: