Paano iunlock at mag apply sa GLoan
GLoan ay isang pre-qualified loan na para lang sa selected GCash users.
Important:
Ang mataas na GScore, pagiging matagal nang GCash user, o pagkakaroon ng previous loan ay hindi ibig sabihin na sure na eligible ka.
Basic GLoan Requirements
- Fully Verified GCash account
- Filipino citizen
- Valid government ID
- At least 21 years old
- Verified GCash email address
Note:
Hindi available ang GLoan, GGives, or GCredit para sa GCash Overseas users (international mobile numbers). Para sa Philippine-registered numbers lang ang services na ito.
- Sa GCash app, tap Borrow > GLoan
- I-check ang screen mo:
| Eligible User | Ineligible User |
|---|---|
|
Pag eligible, may makikita kang loan offer. |
Pag hindi eligible, makikita mo ang "Welcome to GLoan." Para ma-unlock ito, tuloy-tuloy lang sa paggamit ng GCash services gaya ng Pay Bills, Buy Load, Cash In, Send Money, GInsure, at GInvest. |
Chinecheck namin ang iyong eligibility weekly. Makakatanggap ka ng SMS kapag qualified ka. Click here para malaman kung eligible ka sa GLoan.
Paalala:
For added security, maaaring hingan ka ng face scan bago ka makapagpatuloy sa iyong GLoan application.
Kapag nag-fail ang face scan mo ng 5 times, pwede ka ulit mag-try after 24 hours. To learn more, basahin ang Face scan or face verification errors.
- Tap Get Started.
- I-enter ang loan amount mo. Siguraduhin na nasa loob ito ng specified amount at naka-increments ng PHP 500.
- Select an installment plan.
- Select loan purpose.
- Tap Get this Loan.
- Kumpletuhin ang personal info, tap Next.
- I-review ang application mo, tap Submit.
- I-Agree ang Disclosure Statement and Terms and Conditions, tap Continue.
- I-check ang amount na mare-receive mo, tap Continue.
- I-enter ang 6-digit code na na-send sa number mo.
Makukuha mo ang loan mo within 24 hours. Makakakuha ka ng confirmation via SMS at email.
Matagal na akong gumagamit ng GCash. Bakit hindi pa rin ako eligible?
Tinitingnan ng GLoan ang overall GCash profile at activity mo (kasama kung paano mo ginagamit ang GCash services), payment history mo, at iba pang confidential checks. Nakakatulong na matagal ka nang GCash user, pero hindi ibig sabihin na automatic qualified ka na.
Dati akong eligible, pero ngayon hindi na. Bakit?
Nagbabago ang eligibility base sa regular review ng profile at activity mo. Kahit na-approve ka na before, hindi ibig sabihin na palagi kang magiging eligible.
Mataas ang GScore ko. Bakit hindi pa rin ako eligible?
Mataas na GScore ay magandang simula, pero hindi lang ito ang tinitingnan. Kasama rin kung paano mo ginagamit ang GCash, payment history mo, overall profile, at iba pang confidential factors sa evaluation. Dahil pinagsasama-sama lahat ng ito, mataas na score lang ay hindi enough para automatic approval.
Pwede ko bang pabilisin ang eligibility process?
Hindi. Ang GLoan offers ay galing sa system. Hindi ito pwedeng i-unlock manually. Manatiling active sa GCash at siguraduhing updated ang account mo.
Bakit may iba na mas mababa ang GScore pero eligible sila, ako hindi?
Higit pa sa GScore ang chine-check ng GLoan. Iba-iba ang profile ng bawat user at nire-review ng GCash ang eligibility weekly base sa iba pang factors.
Bakit mababa ang GLoan limit ko? Pwede ko ba itong pataasin?
Ang credit limit mo ay set ng system base sa profile mo. Hindi ito pwedeng i-adjust manually.
Bakit hindi tumaas ang limit ko kahit on-time ako magbayad?
Maganda na on-time ka magbayad, pero ang limit mo naka-depende pa rin sa iba pang factors na chine-check ng system.
Marami akong GCash numbers. Bakit hindi ko magamit ang GLoan sa iba ko pang number?
Gumagana lang ang GLoan sa isang active GCash number per user. Kung may existing loan ka sa isang number, kailangan mo muna itong bayaran in full bago ka maka-apply sa ibang number.