Ano ang Risk Profile Questionnaire (RPQ)?
Ang Risk Profile Questionnaire (RPQ) ay isang short quiz na kailangan mong sagutan para makapag-sign up sa GInvest products tulad ng:
- GCrypto
- GStocks PH
- GFunds
Tinitingnan nito kung gaano ka ka-okay sa risk kapag nag-i-invest ka.
Important:
- Kailangan mong tapusin ang RPQ bago ka maka-invest.
- Hindi pwedeng i-retake ang RPQ o ibago ang risk profile for 3 years, maliban na lang kung sabihan ka na sagutan ulit ito.
- Guide lang ang risk profile mo. Pwede ka pa rin pumili ng higher-risk funds, pero kailangan mong i-confirm ang waiver prompt sa GCash app.
Types of Risk Profiles
- Conservative: Gusto mo ng less risk. Ang goal mo ay masigurong safe ang pera mo, kahit mas maliit ang kita.
- Moderate: Okay lang sa’yo ang konting ups and downs. Gusto mo ng halo ng safety at growth.
- Aggressive: Tinatanggap mo ang high risk para sa chance na mas mataas ang gains, at tanggap mo na pwede kang malugi.