Ano ang Ryse, Inc.?
Ryse, Inc. ay WealthTech partner ng GCash at subsidiary ng Mynt Inc. Isa itong licensed Mutual Fund Distributor na fully regulated ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ang GFunds ay powered by Ryse. Dahil dito, mas personalized at mas informed ang investment experience mo, pero magagamit mo pa rin ang GFunds sa parehong way tulad ng dati.
Basahin ang GFunds Terms and Conditions
Basahin ang Ryse, Inc. Terms and Conditions
Mananatiling pareho at safe ang GFunds account, funds, at balance mo. Walang magiging service interruptions. Wala ka ring kailangang gawin.
Secure na mina-manage ang data mo ng GCash, Ryse, at ng partners namin, ayon sa Philippine Data Privacy Laws. Pwede kang mag opt out, pero kailangan ang data sharing para magamit ang GFunds. Kung hindi ka sang-ayon, pwede mong ihinto ang paggamit ng GFunds sa pamamagitan ng pag-cash out anytime.