Paano gumawa ng GCash Jr. account bilang isang guardian
Kung ikaw ang nag-aalaga sa isang bata dahil pumanaw na, wala, o hindi sila kayang alagaan ng kanilang mga magulang, puwede mo silang ipag-open ng GCash Jr. account. Kailangan mo lang ng active at Fully Verified GCash account para makapagsimula.
Sino ang pwedeng mag-apply bilang guardian?
Sila lang ang pwedeng mag-link sa GCash Jr. account:
- Lolo o Lola (Grandparent)
-
Kapatid (Sibling)
- Dapat 21 years old pataas
- Pwede lang kung pumanaw na, wala, o incapacitated ang mga magulang at lahat ng lolo/lola
-
Legal Guardian / Caregiver
- Dapat 21 years old pataas
- Pwede lang kung walang available na magulang, lolo/lola, o kapatid na nasa hustong gulang
Mga requirement na dapat ihanda
-
Minor’s Identity Documents
- Child's PSA Birth Certificate
- Child's Valid ID (hal. School ID, Passport, National ID)
-
Proof of Guardianship
Mag-submit ng isa (1) sa mga sumusunod:
- Court-Issued Letters of Guardianship: Original o certified copy na may case number, branch ng korte, at pirma ng judge.
- Notarized Affidavit of Guardianship: Notarized document na nagpapatunay na pumanaw na o hindi kayang mag-alaga ang mga magulang, at ang bata ay aktwal na nakatira sa iyo.
Alternative Requirements
Kung wala kang Court Order o Notarized Affidavit, i-submit ang mga documents na applicable sa role mo:
- Kung pumanaw na ang mga magulang:
PSA Death Certificates ng mga magulang
PSA Birth Certificate ng isa sa mga magulang
Barangay Certificate of Guardianship
- Kung wala o incapacitated ang mga magulang:
PSA Birth Certificate ng isa sa mga magulang
Barangay Certificate of Guardianship
-
Kung pumanaw na ang mga magulang at mga lolo/lola:
PSA Death Certificates ng mga magulang at lolo/lola
Sarili mong PSA Birth Certificate
Barangay Certificate of Guardianship
-
Kung wala o incapacitated ang mga magulang at mga lolo/lola:
Sarili mong PSA Birth Certificate
Barangay Certificate of Guardianship
-
Kung pumanaw na ang mga magulang, lolo/lola, at mga kapatid (o walang kapatid na 21+):
PSA Death Certificates ng mga magulang at lolo/lola
Barangay Certificate na nagsasabing ikaw ang guardian at walang kapatid na nasa hustong gulang
-
Kung wala o incapacitated ang mga magulang, lolo/lola, at mga kapatid:
Barangay Certificate na nagsasabing wala o hindi kayang mag-alaga ng pamilya
Paalala:
Lahat ng birth at death certificate ay dapat official copies galing sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Paano gumawa ng GCash Jr. account bilang guardian
- Buksan ang GCash app at i-tap ang View All > GCash Jr.
- I-tap ang Add Child.
- Ilagay ang mobile number ng bata, tapos i-tap ang Next.
- Basahin ang Terms and Conditions, tapos i-tap ang I consent.
- Ilagay ang details ng bata (siguraduhing tugma sa ID niya), tapos i-tap ang Next.
- I-check ang details, tapos i-tap ang Confirm.
- Gumawa ng temporary 4-digit MPIN para sa bata, tapos i-tap ang Next.
- I-tap ang Continue Application.
- Basahin ang checklist, tapos i-tap ang Continue.
- Mag-upload ng malinaw na picture ng PSA Birth Certificate ng bata, tapos i-tap ang Submit.
- Pumili ng ID type, tapos i-tap ang Select ID.
- Kunan ng picture ang ID ng bata, tapos i-tap ang Next.
- Tulungan ang bata na mag-take ng quick selfie scan gamit ang phone mo.
- Punan ang mga natitirang details na tugma sa ID niya, tapos i-tap ang Next.
- Sagutan ang final questions, tapos i-tap ang Next para mai-submit.