Paano gumawa ng GCash Jr. account
I-register ang iyong anak para sa GCash Jr. account!
Ang magulang o guardian na gustong mag-register ng anak para sa GCash Jr. account ay dapat:
- Hindi bababa sa 21 years old
- May active at Fully Verified GCash account na naka-register gamit ang Philippine-issued SIM
Mga requirement para makagawa ng GCash Jr. account
-
Birth Certificate ng iyong anak (dapat ikaw ang nakalagay na magulang dito).
- Tinatanggap ang original copy, photo/screenshot, o photocopy.
- Kung hindi ikaw ang magulang na nakalista sa birth certificate, alamin kung paano gumawa ng GCash Jr. account bilang guardian.
-
Valid ID ng iyong anak:
- National ID (Physical Card)
- ePhilID (Paper format) o Digital National ID
- Passport
- Student ID
- Alien Certificate of Registration (ACR) para sa foreign o non-Filipino minors
Mga steps para i-sign up ang iyong anak sa GCash Jr.
- Sa GCash app, i-tap ang View All > GCash Jr.
- I-tap ang Add Child.
- Ilagay ang mobile number ng iyong anak, tapos i-tap ang Next.
- Basahin ang Terms and Conditions, tapos i-tap ang I consent.
- Ilagay ang personal details ng anak mo (siguraduhing tugma sa kanyang ID), tapos i-tap ang Next.
- I-review ang lahat ng inilagay na details, tapos i-tap ang Confirm.
- Gumawa ng temporary 4-digit MPIN para sa account ng iyong anak, tapos i-tap ang Next.
- I-tap ang Continue Application.
- Basahin ang checklist ng requirements, tapos i-tap ang Continue.
- Mag-upload ng malinaw na litrato ng birth certificate ng anak mo, tapos i-tap ang Submit.
- Piliin ang ID type na gusto mong i-submit, tapos i-tap ang Select ID.
- Kunan ng litrato ang ID ng iyong anak, tapos i-tap ang Next.
- Tulungan ang iyong anak na kumuha ng selfie gamit ang iyong phone.
- Punan ang mga natitirang details (siguraduhing tugma sa ID ng anak mo), tapos i-tap ang Next.
- Sagutan ang huling dalawang tanong, tapos i-tap ang Next para mai-submit.
Makakakita ka ng confirmation screen kapag tapos na ang enrollment.
Makakatanggap ka rin ng SMS bilang kumpirmasyon na natanggap na ng GCash ang application. Magkakaroon ng update sa loob ng 3 days.