GLoan & GGives Assistance Program for Tropical Depression Luis, Tropical Storm Maymay, and the Enhanced Southwest Monsoon (Habagat)
Ang Fuse Calamity Assistance Program ay nagbibigay ng 7-day grace period sa mga eligible borrower na naapektuhan ng Tropical Depression Luis, Tropical Storm Maymay, at pinalakas na Habagat.
Eligibility for the Calamity Assistance Program
Para maging eligible sa programa, kailangan mong:
- Makatanggap ng SMS na nagpapatunay na kasama ka sa Calamity Assistance Program.
- May active GLoan o GGives loan na maayos ang bayaran at walang hindi nabayarang due.
- Nakatira sa isa sa mga piling lungsod o munisipalidad sa ibaba, batay sa home address na nakarehistro sa iyong GCash account:
| Province | Covered cities and municipalities |
|---|---|
| Bulacan | Calumpit |
| Rizal | Rodriguez |
| Pangasinan | Dagupan, Mangaldan |
| Cavite | Alfonso, Amadeo, Bacoor, Carmona, Cavite City, Dasmariñas, General Emilio Aguinaldo, General Mariano Alvarez, General Trias, Imus, Indang, Kawit, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic, Noveleta, Rosario, Silang, Tagaytay, Tanza, Ternate, Trece Martires |
| Benguet | Atok, Baguio City, Bakun, Bokod, Buguias, Itogon, Kabayan, Kapangan, Kibungan, La Trinidad, Mankayan, Sablan, Tuba, Tublay |
| Pampanga | Angeles City, Apalit, Arayat, Bacolor, Candaba, Floridablanca, Guagua, Lubao, Mabalacat, Macabebe, Magalang, Masantol, Mexico, Minalin, Porac, San Fernando, San Luis, San Simon, Santa Ana, Santa Rita, Santo Tomas, Sasmuan |
Paalala: Pinipili at inuuna ang mga sakop na lugar batay sa opisyal na deklarasyon ng state of calamity ng mga lokal na pamahalaan. Maaaring madagdagan ang listahan kung may bagong anunsyo.
Program Details
Bibigyan ng 7-day grace period ang mga eligible na customer para sa GLoan at GGives na may due date mula August 7 hanggang 15, 2026.
- Sa loob ng 7-day grace period, hindi ka sisingilin ng late payment fees o penalties. Pansamantalang ititigil ang collection calls at automatic debit arrangements.
- ✅ Wala kang kailangang gawin. Automatic na maa-adjust ang iyong due date.
Important Notes
- GLoan at GGives lamang ang sakop ng programang ito.
- Kung babayaran mo ang buong halagang due sa loob ng grace period, ibabalik ang anumang late payment fees at penalties na maaaring nasingil.
- Kung mayroon kang GLoan at GGives loan, pero past due ang isa at maayos ang bayaran ng isa, ang loan na maayos ang bayaran lamang ang makakatanggap ng tulong.
- Hindi sakop ng programang ito ang GCredit. Maaaring gamitin ng GCredit customers ang minimum amount due (MAD) feature at bayaran ang 10% ng kanilang due amount.
- Kung ang due date ng iyong GCredit ay mula August 7 hanggang 15, 2026, nakatira ka sa isang sakop na lugar, at hindi ka makabayad sa oras dahil sa bagyo o Habagat, maaari kang makipag-ugnayan sa amin para humiling ng penalty waiver.
- Kung hindi sakop ng programang ito ang iyong loan, maaari kang magsubmit ng regular na forbearance request.