Advisory: Incorrectly Linked GCash Cards
Mahalagang Paalala
Para mapanatiling safe ang account ng lahat, ang isang GCash Card ay maaari lang gamitin ng taong nakapangalan sa card. Hindi ito pwedeng ipahiram o ilipat sa iba.
Kapag nai-link ulit ang card sa account na iba ang pangalan, maaari rin itong ma-deactivate.
Kung ang GCash Card mo ay naka-link sa account na iba ang pangalan kumpara sa nakaprint sa card, made-deactivate ito pagkalipas ng dalawang linggo mula sa notice na ito.
Ano ang kailangan mong gawin?
Applicable ito kung:
- Lumalabas ang card sa iyong GCash app
- Hindi pangalan mo ang nakaprint sa card
Ano ang mangyayari:
- Made-deactivate ang card at matatanggal ito sa account mo
Ano ang kailangan mong gawin:
- Mag-order ng sarili mong GCash Card sa app sa pamamagitan ng pagpunta sa Cards > Order a GCash Card
- Maghintay ng 10 to 13 business days para sa delivery
- I-update ang anumang saved payment methods na gumagamit ng lumang card. Pumunta sa Payment Methods, Billing, o Subscriptions. Pwede mo itong palitan ng ibang payment method, gaya ng bago mong GCash Visa Card o GCash Pay Online
- Kapag dumating na ang bago mong card, i-link ito sa app at i-set ang iyong Card PIN
Note: Ang anumang pending refunds o chargebacks ay mac-credit pa rin sa iyong GCash wallet.
Applicable ito kung:
- Pangalan mo ang nakaprint sa card
- Hindi lumalabas ang card sa iyong GCash Card list
- Na-link ito ng ibang tao sa account nila
Ano ang mangyayari:
- Made-deactivate ang card at hindi na ito magagamit
Ano ang kailangan mong gawin:
- Mag-order ng replacement card sa pamamagitan ng pagpunta sa Cards > Order a GCash Card
- Maghintay ng 10 to 13 business days para sa delivery
- I-link lang ang replacement card sa sarili mong GCash account
Helpful tip
Para maiwasan ang issues, i-link lang ang GCash Card na naka-pangalan sa’yo, at siguraduhing mananatili itong naka-link sa account mo.