Nabawasan ang GCash wallet ko pero hindi natanggap ng GPO ang payment. Anong dapat kong gawin?
Paalala:
Maghintay ng hanggang 5 minutes para maibalik ang funds. Kung hindi pa naibabalik ang funds after 5 minutes, sundin ang mga steps sa ibaba para mag-contact ng support.
Kung nabawasan ang iyong GCash wallet pero hindi natanggap ng GCash Pera Outlet ang payment, sundin ang mga steps sa ibaba:
Hanapin ang “Pay via Scanned QR” at i-tap ito para makita ang transaction details. Para makumpirmang successful ang payment, dapat mong makita ang “Payment to <Name of GPO>.”
- Kung naka-reflect ang payment pero sinabi ng merchant na hindi nila ito natanggap, pumunta sa Step 3.
- Kung hindi mo nakikita ang transaction, pumunta sa Step 2.
I-check kung nabawasan ang iyong GCash balance.
- Kung oo, pumunta sa Step 3.
- Kung hindi, ibig sabihin ay hindi natuloy ang payment. Maaari mong subukan ulit ang transaction.
Ipa-check sa merchant kung natanggap ang payment sa GPO wallet within 2 minutes.
- Kung hindi nag-reflect ang bayad o Failed ang status nito, gumamit muna ng ibang payment method para makapagbayad. Dapat maibalik ang funds sa iyong GCash wallet.
Need more help?
Kung hindi pa bumabalik ang funds sa iyong GCash wallet:
- Pumunta sa Transactions.
- Piliin ang iyong QR payment.
- I-tap ang Get Help > “Merchant didn’t receive this payment.”
Ang mga maling claims ay maaaring tanggihan. Ire-review ng merchant at ng kanilang bangko ang iyong concern sa loob ng 6–10 business days.
Kung iko-confirm ng merchant na eligible for refund ang iyong payment, makakatanggap ka ng adjustment sa iyong GCash wallet sa loob ng 24–72 hours pagkatapos ng confirmation ng merchant.