Oona All-In-One Health Insurance
Ang Oona All-In-One Health Insurance Plan ay nagbibigay sa’yo ng proteksyon para sa critical illnesses, hospital stays, at accidents. Sa halagang PHP 49, pwede kang makakuha ng hanggang PHP 100,000 na coverage, at pwede mo ring i-extend ang protection sa iyong asawa, mga anak, at parents.
Jump to:
- Coverage
- Eligibility
- How to buy Oona All-In-One Health Insurance
- Claims and cancellation
- FAQs
- Contact Oona
Coverage
Ang Oona All-In-One Health Insurance ay nag-aalok ng abot-kayang proteksyon para sa critical illness, hospitalization, at accidents sa pamamagitan ng tatlong plan options: Lite, Plus, at Max.
What benefits do I get?
Kasama sa plan ang mga sumusunod na benepisyo:
- Daily Hospital Cash: PHP 500 hanggang PHP 1,500 per day nang hanggang 7 days bawat hospital stay, depende sa plan mo.
- Critical Illness Cover: PHP 25,000 hanggang PHP 100,000 kung ma-diagnose ka ng cancer, heart attack, o stroke.
- Accidental Death and Disability Cover: PHP 25,000 hanggang PHP 100,000 na financial support kung magkaroon ng accidental death o permanent disability.
Available plans
| Key Coverages | Lite | Plus | Max |
| Coverage limit | Up to PHP 25,000 | Up to PHP 50,000 | Up to PHP 100,000 |
| Big 3 Critical Illness (Cancer, Heart Attack and Stroke) | PHP 25,000 | PHP 50,000 | PHP 100,000 |
| Hospital Allowance (Daily hospital income) | PHP 500 per day, maximum of 7 days | PHP 1,000 per day, maximum of 7 days | PHP 1,500 per day, maximum of 7 days |
| Accidental Death and Disability | Up to PHP 25,000 | Up to PHP 50,000 | Up to PHP 100,000 |
Eligibility
Pwede kang bumili ng Oona All-In-One Health Insurance kung pasok ka sa mga requirements na ito:
- Ikaw ay 18 to 60 years old
- Isa kang Fully Verified GCash user
How to buy Oona All-In-One Health Insurance
Para makakuha ng Oona All-In-One Health Insurance sa GCash app:
- Buksan ang GCash app at i-tap ang GInsure > Health
- Piliin ang Oona All-In-One Health Insurance Plan
- Piliin ang plan na swak sa needs at budget mo
- Sagutan ang health declaration questions
- I-review ang summary para siguraduhing tama ang details mo
- Mag-proceed sa payment para makumpleto ang purchase
Policy confirmation
Kapag successful ang purchase mo, makakatanggap ka agad ng instant confirmation. Ipapadala rin ang iyong Oona All-In-One Health Insurance policy sa iyong registered email, kung saan pwede mo itong i-view o i-download anytime.
Claims and cancellation
Kung hindi mo na kailangan ang insurance, pwede kang mag-request ng cancellation sa pamamagitan ng pag-notify sa Oona Insurance gamit ang MyGInsure policy deactivation process at sundan ang steps na lalabas sa screen.
Kung kailangan mong mag-file ng claim, pwede mong sagutan ang online claim form at i-upload ang mga required documents. Pwede ka ring makipag-ugnayan sa Oona gamit ang available support channels nila para sa assistance.
Required claim documents
Ihanda ang mga sumusunod na dokumento kapag magfa-file ng claim:
- Valid government ID
- Medical documents, gaya ng:
- Laboratory and test results
- Histopathology report o biopsy report para sa cancer claims
- ECG report o enzyme assays report para sa heart attack claims
- CT scan o MRI scan ng brain para sa stroke claims
- Valid proof of hospitalization at medical discharge certificate
- Police report para sa accident-related claims
FAQs
Pwede ko bang i-upgrade ang policy ko?
Kung gusto mong taasan ang iyong sum insured, pwede kang bumili ng ibang plan na may mas mataas na sum insured.
Pwede ba akong magkaroon ng multiple policies?
Oo, pwede kang bumili ng multiple policies, basta ang total sum insured para sa Big 3 critical illnesses ay hindi lalampas sa PHP 500,000.
Pwede ko ba itong bilhin para sa ibang tao?
Pwede mong bilhin ang plan para sa sarili mo at sa family mo, kasama ang iyong parents. Ang pagbili nito para sa mga hindi kapamilya ay magiging available soon.
Macha-charge ba ako kung hindi ako eligible sa policy?
Macha-charge ka lang kapag nakapasa ka na sa medical questionnaire at naibigay mo na ang details na kailangan para ma-assess ang eligibility mo. Kung hindi ka eligible, hindi magpo-proceed ang journey sa payment.
Contact Oona
Para sa inquiries o support, pwede mong i-contact ang Oona sa mga sumusunod na channels:
- Email: teleservice@oona-insurance.com.ph
- Smart: (+63) 920 918 6242
- Globe: (+63) 917 581 7175
- Landline: +632-8876-4400