Load Plus Health Insurance
Makakakuha ng health insurance coverage for FREE kapag nag-purchase ng mobile o broadband load gamit ang registered GCash number via Buy Load. Ang coverage ay limited at exclusive lang sa mobile o broadband load purchases na ginawa sa promo period.
Jump to:
- Eligibility
- Insurance Validity
- Insurance Stackability
- Steps to Process your Claim
- Frequently Asked Questions
- Contact FPG Insurance
Eligibility
- Ang insured ay nasa edad na 18-65 years old
- Fully verified ang GCash account
- Filipino or Foreigners (kahit walang permanent residence at tourist lamang basta Philippine Local Telco SIM ang gamit)
- Ang libreng coverage ay exclusive sa bumili ng lahat ng uri ng load sa Gcash app
- Ang insurance at coverage nito ay hindi pwedeng ipasa sa iba
Insurance Validity
Ang insurance validity na ito ay nagsisimula sa araw ng pag load at matatapos base sa load amount na makikita sa table below:
| GCASH BUY LOAD AMOUNT (PESO) | PERIOD OF COVERAGE |
| 1.00 - 65.00 | 3 days |
| 66.00 - 150.00 | 7 days |
| 151.00 - 450.00 | 15 days |
| 451.00 & up | 30 days |
Insurance Stackability
Pwedeng pagsabayin ang mga benepisyo sa FPG insurance, basta't kwalipikado ka para sa bawat isa ayon sa listahan sa ibaba:
| GCASH BUY LOAD AMOUNT | PERIOD OF COVERAGE (DAYS) | ACCIDENTAL DEATH COVERAGE |
| 1 to 65 | 3 | PHP 10,000.00 |
| 66 to 150 | 7 | |
| 151 to 450 | 15 | |
| 451 and above | 30 |
-
IMPORTANTE: Sa pagkakataon na ikaw ay nagload ng maraming beses, tatlong (3) eligible load purchases mo lang ang may free insurance. If nag-load ka at mayroong kang tatlong (3) active policies, wala kang makukuhang free insurance. Kapag ang insurance ay nag-expire at ikaw ay nag-load ulit, mayroon or eligible ka ulit sa free insurance.
-
Ang maximum na makukuha para sa accidental death ay PHP 30,000. (3 active policy MAX per user)
- Ang Hospital Confinement benefit ay magbibigay ng PHP 500 kada araw na tumatagal hanggang 5 days (PHP 2,500 MAX benefit) sa isang insurance coverage lamang. HINDI ito maaring pag patung-patungin o i-stack.
-
Ang Disablement/Disability benefit ay nakadepende sa komputasyon na naka lista sa table:
|
DESCRIPTION OF DISABLEMENT |
PERCENTAGE OF THE SUM SPECIFIED IN THE BENEFIT |
|---|---|
| Loss of two limbs | 100% |
| Loss of both hands, or of all fingers and both thumbs | 100% |
| Total loss of sight of both eyes | 100% |
| Total paralysis | 100% |
| Loss of both feet | 100% |
| Injuries resulting in being permanently bedridden | 100% |
| Any other injury causing permanent total disablement | 100% |
| Loss of arm at or above elbow | 50% |
| Loss of arm between elbow and wrist | 50% |
| Loss of hand at wrist | 50% |
| Loss of four fingers and thumb of one hand | 50% |
|
Loss of Leg - at hip |
70% |
| - between knee and hip | 60% |
| - below knee | 50% |
| Loss of hearing - both ears | 50% |
Example ng Stackability
Para sa mas malinaw na halimbawa, i-check ang mga scenario sa ibaba:
Bumili ng load si Person A gamit ang kanyang personal GCash account ng limang (5) beses sa loob ng 24 na araw.
- Transaction 1 (September 1) - Bumili si Person A ng load na nagkakahalaga ng P99. Ang transaksyong ito ay may katumbas na libreng insurance na may bisa sa loob ng pitong (7) araw.
- Transaction 2 (September 08) - Bumili si Person A ng load na P299. Ang transaksyong ito ay may katumbas na libreng insurance na may bisa sa loob ng labinlimang (15) araw.
- Transaction 3 (September 08) - Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon, bumili ulit si Person A ng load na P50. Ang transaksyong ito ay may libreng insurance na may bisa rin sa loob ng tatlong (3) araw.
- Transaction 4 (September 16) - Bumili ulit si Person A ng load na P99. Ang transaksyong ito ay may libreng insurance na may bisa sa loob ng pitong (7) araw.
- Transaction 5 (September 18) - Bumili si Person A ng load na P99, at ang transaksyong ito ay kwalipikado para sa libreng insurance sa loob ng pitong (7) araw dahil nag-expire na ang kanyang free insurance noong September 10.
Si Person A ay na-confine sanhi ng sakit noong September 15 hanggang September 17. Sa hindi inaasahang pangyayari, si Person A ay pumanaw sanhi ng aksidente noong September 18.
Benefits na makukuha:
- Si Person A ay makakakuha ng 3-days hospital confinement benefit na may kabuang PHP 1500 mula sa kanyang confinement sanhi ng sakit.
- Si Person A ay makakakuha ng PHP 30,000 mula sa kanyang pagpanaw sanhi ng aksidente.
- Ang beneficiary ni Person A ay makakakuha ng may kabuuang halaga mula sa kanyang free insurance na PHP 31,500.
Bumili ng load si Person B gamit ang kanyang personal GCash account ng limang (5) beses sa loob ng 24 na araw
- Transaction 1 (September 1) - Bumili si Person B ng load na nagkakahalaga ng P99. Ang transaksyong ito ay may katumbas na libreng insurance na may bisa sa loob ng pitong (7) araw.
- Transaction 2 (September 08) - Bumili si Person B ng load na P299. Ang transaksyong ito ay may katumbas na libreng insurance na may bisa sa loob ng labinlimang (15) araw.
- Transaction 3 (September 08) - Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon, bumili ulit si Person B ng load na P299. Ang transaksyong ito ay may libreng insurance na may bisa rin sa loob ng labinlimang (15) araw.
- Transaction 4 (September 16) - Bumili ulit si Person B ng load na P99. Ang transaksyong ito ay may libreng insurance na may bisa sa loob ng pitong (7) araw.
- Transaction 5 (September 18) - Bumili si Person B ng load na P99, ngunit ang transaksyong ito ay hindi na kwalipikado para sa libreng insurance dahil mayroon na siyang tatlong (3) aktibong policies mula sa Transactions 2, 3, at 4.
Si Person B ay na-confine sanhi ng aksidente noong September 18 at pumanaw ng September 21.
Benefits that can be claimed:
- Si Person B ay makakakuha ng 4-days hospital confinement benefit na may kabuang PHP 2,000.
- Si Person B ay makakakuha ng karagdagang benepisyo mula sa kanyang pagkamatay na may halagang PHP 30,000.
- Ang beneficiary ni Person B ay nakakuha ng kabuang halaga mula sa kanyang insurance na PHP 32,000.
Proseso ng Pag-Claim
STEP 1: I-click ang link ng FPG CLAIMS PORTAL here para direktang mag-submit ng claim sa FPG Insurance.
STEP 2: Kumpletuhin ang kinakailangang detalye ng iyong claim sa FPG Insurance claims notification page. Siguraduhing kumpleto ang lahat ng impormasyon at documentong nagpapatunay sa iyong claim. (Claim notification must be given 15 days from the time of the accident)
Claims requirements: (Please submit complete claims documents within 60 days from the time of the accident)
A. General Requirements
- Duly Accomplished Personal Accident Claim Notification Form A & B (Required)
- Accident Report (in the absence of accomplished PA Claim Notification Form)
- Police/Investigation Report (for Vehicular Accident, Unprovoked Murder & Assault, Acc. Death) (if necessary)
- Affidavit of Accident (if necessary)
- Medical Certificate (if Form B of PA Claim Form is not accomplished)
B. Death Claim
- Death Certificate
- Birth Certificate
- Certified True Copy of Marriage Certificate (if applicable)
- Certified True Copy of Birth Certificate of Children (if applicable)
- Admitting History, operating room record, discharge summary & other Diagnostic/Laboratory Results
- Autopsy report (if necessary)
C. Disability/ Disablement Claim
- Accomplished Disability Form
- MRI/CT Scan Result (if applicable / necessary)
- Hospital Admitting History and Physical Examination
- Certified Clinical Summary
STEP 3: Kapag aprubado ang iyong claim matatanggap ang iyong claim benefit sa loob ng 8 days.
Frequently Asked Questions
Q: Ano ang Accidental Death insurance?
A: Ang Accidental Death insurance ay nagbibigay ng pera sa mga benepisyaryo kung ang insured ay namatay dahil sa aksidente.
Q: Magkano ang benepisyong makukuha mula sa Accidental Death?
A: Ang benepisyo ay PHP 10,000.
Q: Ano ang itinuturing na aksidenteng pagkamatay?
A: Ito ay pagkamatay na dulot ng aksidente at hindi dahil sa natural na sanhi, sakit, o iba pang dahilan.
Q: Ano ang mga sample nito?
Aksidente sa Sasakyan:
Halimbawa, nagmamaneho ka at biglang may sumalpok na ibang sasakyan sa iyo. Dahil sa tindi ng aksidente, nagkaroon ka ng mga bali sa buto at kailangan mong ma-ospital. Ang personal accident insurance ay maaaring magbigay ng kabayaran para sa iyong mga medikal na gastusin at bayad sa ospital.
Pagkahulog sa Hagdan:
Kung ikaw ay nadulas at nahulog sa hagdan ng iyong bahay, at nagkaroon ka ng malubhang pinsala tulad ng bali sa balakang o pasa sa katawan, ang iyong insurance ay maaaring magbigay ng bayad para sa iyong pagpapagamot.
Pagsabog o Sunog:
Sa trabaho, kung sakaling magkaroon ng aksidente tulad ng pagsabog o sunog at ikaw ay nasugatan, maaari kang makinabang mula sa personal accident insurance para sa iyong mga medical bills o maging sa bayad-kamatayan kung sakaling ito ay magdulot ng pagkamatay.
Q: Ano ang Disablement/Dismemberment insurance?
A: Ang insurance na ito ay nagbibigay ng benepisyong pera kung ang insured ay nawalan ng bahagi ng katawan dahil sa aksidente.
Q: Magkano ang benepisyong makukuha mula sa Disablement/Dismemberment?
A: Ito ay depende sa nawalang bahagi ng katawan, maaaring makuha hanggang PHP 10,000.
Q: Anong uri ng mga pinsala ang saklaw ng Disablement/Dismemberment?
A: Saklaw nito ang pagkawala ng bahagi ng katawan, paningin, pandinig, o malubhang kapansanan mula sa aksidente.
Q: Ano ang mga sample nito?
Permanenteng Pagka-Paralisa: Ang Insured ay naaksidente habang nagmamaneho ng motorsiklo at nagkaroon ng malubhang pinsala sa kanyang gulugod. Dahil dito, siya ay nalamang permanenteng naparalisa mula sa baywang pababa. Ang personal accident insurance ni Pedro ay maaaring magbigay ng kabayaran para sa kanyang permanenteng pagkaka-disable.
Pagkawala ng Isang Paa o Kamay: Ang Insured ay nagtatrabaho sa isang construction site at aksidenteng naputulan ng isang paa dahil sa isang malfunction ng kagamitan. Ang insurance ay maaaring magbigay ng lump sum na kabayaran para sa pagkawala ng kanyang paa.
Pagkawala ng Paningin: Ang Insured ay sangkot sa isang aksidente kung saan siya ay tinamaan sa mukha ng mga debris mula sa isang pagsabog. Bilang resulta, nawala ang kanyang paningin sa isa o parehong mata. Ang personal accident insurance ay maaaring magbigay ng kabayaran para sa pagkawala ng kanyang paningin.
Pagkawala ng Dalawang Daliri: Ang Insured ay isang manggagawa sa pabrika at aksidenteng naputulan ng dalawang daliri dahil sa pagkakaipit sa makina. Ang insurance ay maaaring magbigay ng partial disablement benefit para sa pagkawala ng kanyang mga daliri.
Permanenteng Pagka-Bingi: Dahil sa isang aksidente na nagdulot ng malakas na impact sa kanyang ulo, ang Insured ay nawalan ng pandinig sa parehong tainga. Ang kanyang personal accident insurance ay maaaring magbigay ng kabayaran para sa permanenteng pagkawala ng pandinig.
Q: Ano ang Daily Hospital Income insurance?
A: Nagbibigay ito ng araw-araw na bayad kung na-ospital ka dahil sa aksidente o sakit. Hindi saklaw ang pre-existing conditions at mga sakit na idineklara ng gobyerno na communicable.
Q: Magkano ang daily allowance na benepisyo?
A: Hanggang ₱500 bawat araw.
Q: Ilang araw ang maximum daily allowance na benepisyo?
A: Maximum na 5 araw ang benepisyo.
Q: Anong uri ng pag-ospital ang saklaw?
A: Saklaw ang pag-ospital dahil sa aksidente o sakit, basta't sumusunod sa patakaran.
Q: Kasama ba ang mga pinsala dahil sa motorcycling?
A: Oo, pero hindi saklaw ang mga aksidente lumabag sa traffic rules o hindi pag sunod sa LTO regulations o kahit na anu mang batas na applicable.
Q: Saklaw ba ang mga sakit na pre-existing na kondisyon?
A: Hindi saklaw ng polisiyang ito ang pre-existing conditions tulad ng asthma, diabetes, TB, thyroid problems, at iba pang chronic conditions gaya ng heart disease, kidney issues, at high blood pressure. Bronchial Asthma and Systemic Allergies, Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)Diabetes Mellitus, Tuberculosis, Thyroid diseases, Systemic allergies, Dysfunctional uterine bleeding, Chronic EENT conditions that may require surgery, Cardiovascular diseases, Chronic cholecystitis/cholelithiasis, Benign or malignant new growth, Endometriosis, Stroke / paralysis/epilepsy, Hernia, Hemorrhoids and fistula, Grastic or duodenal ulcers, Liver cirrhosis, Kidney diseases, Blood dyscrasia, Immunologic and collagen diseases, Hallus valgus and lithiasis, Urolithiasis and glomerunephritis, Hypertension of whatever etiology
Q: Ano ang mga sample nito?
A: Kung ikaw ay naaksidente o nagkasakit na sakop ng insurance policy at kailangan mong ma-confine sa ospital, ang Insured ay makatatanggap ng benepisyo na hanggang limang (5) araw, na may ₱500 bawat araw. Ang kabuuang benepisyo ay depende sa bilang ng araw ng pagkaka-confine, hanggang sa maximum na limang araw.
Contact FPG Insurance
I-contact ang FPG Insurance sa sumusunod na channels:
- FPG Claims Service Desk:
- Email: ph-claimsservicedesk@fpgins.com
- Hotline: +632-8771-8500
- FPG Customer Care:
- Email: phcustomercare@fpgins.com
- Hotline: +632-8859 1200; +632-8662-8600; +632-7944-1300
- Facebook: FPG Insurance Philippines
- Twitter: @fpginsurance_ph