Ano ang GCash Request Payment?
Ang GCash Request Payment ay nagbibigay-daan para makapag-request, makapag-track, at makatanggap ka ng pera mula sa clients sa ibang bansa. Maaari silang magpadala ng pera sa iyong Virtual US Account sa USD o sa iyong GCash wallet sa PHP gamit ang supported remittance partners.
Sino ang pwedeng gumamit ng GCash Request Payment
Pwede mong gamitin ang Request Payment kung:
- Fully Verified ang iyong GCash account
- Activated ang iyong Virtual US Account kung USD ang tatanggapin mo
Note: Susunod ang Request Payment sa wallet and transaction limits ng iyong GCash account.
Paano gamitin ang GCash Request Payment
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang View All.
-
Sa Others, i-tap ang Request.
- Basahin at tanggapin ang Terms & Conditions at Privacy Notice.
-
I-tap ang Create a Request.
- I-review ang mga detalye, pagkatapos i-tap ang Submit request.
- Makakatanggap ang iyong client ng email na may request at instructions kung paano magbabayad.
Paalala: Hindi na maaaring baguhin ang request kapag na-submit na. Kung may mali, gumawa ng bagong request.
-
Buksan ang Request Payment dashboard sa GCash app.
- Makikita mo ang status ng bawat request:
- Pending – hindi pa nagbabayad ang client
- Paid / Completed – natanggap na ang bayad
- Overdue – lumampas na ang due date pero hindi pa bayad
- I-tap ang request para makita ang halaga, payer, due date, at history.
Kapag natanggap mo na ang bayad, pumunta sa Request Dashboard at i-tap ang Mark as Received.
-
Magbabayad ang iyong client gamit ang supported remittance partner, tulad ng Remitly, Western Union, o MoneyGram.
- Matatanggap mo ang PHP sa iyong GCash wallet.
- Ang remittance partner ang nagtatakda ng exchange rate at fees.
Kung hindi mo natanggap ang pera:
- I-ask ang sender na kumpirmahin ang transaction.
- I-check kung pasok pa sa iyong GCash wallet and transaction limit ang matatanggap na pera.
- Ibigay sa iyong client ang ACH Routing Number at Account Number ng iyong Virtual US Account.
- Ipapadala ng client ang USD sa iyong Virtual US Account at papasok ang pera sa USD balance ng iyong account.
- Mananatiling USD ang pera hanggang i-withdraw mo ito sa iyong GCash wallet. Kapag nag-withdraw ka, iko-convert ito sa PHP gamit ang rate na makikita sa GCash app.
Kung hindi mo natanggap ang pera:
- Hingin sa sender na i-confirm ang transaction.
- I-check kung pasok pa sa iyong GCash wallet at transaction limits ang matatanggap mong pera.
FAQs
General
Wala. Tinutulungan ka lang ng Request Payment na magpadala at mag-track ng payment requests. Ang fees at exchange rates ay galing sa remittance partner o sending bank.
- Para sa payments na ipinadala sa GCash wallet gamit ang remittance: Ang remittance partner ang nagse-set ng rate kapag ipinadala ang pera.
- Para sa payments na ipinadala sa iyong Virtual US Account: USD ang matatanggap mo. Kapag ni-withdraw mo ito papunta sa iyong GCash wallet at iko-convert sa PHP, ang rate na makikita sa GCash app ang gagamitin.
Note: Hindi kontrolado ng GCash ang FX rate para sa inbound remittances.
-
Para sa pagtanggap sa GCash wallet gamit ang remittance:
- Susunod ito sa iyong GCash wallet and transaction limits.
-
Para sa pagtanggap sa Virtual US Account:
- Walang fixed limit sa bawat request. Pero, maaaring tanggihan ang sobrang laki o hindi pangkaraniwang requests. Maaaring kailangan ding dumaan ang GCash recipient sa security at compliance review.
- Hanggang 5 active requests sa isang pagkakataon.
- Hanggang 10 total requests bawat linggo. Nagre-reset ito sa susunod na linggo.
Note: I-tap ang Mark as Received sa mga bayad nang requests para makagawa ka ng bago.
Para sa requesters
- Tumanggap sa GCash wallet – Magbabayad ang client gamit ang GCash remittance partner at matatanggap mo ang PHP sa iyong GCash wallet.
- Tumanggap sa US Account – Magpapadala ang client ng USD sa iyong Virtual US Account details at matatanggap mo ang USD sa iyong Virtual US Account.
Kapag nakumpirma mong nasa iyong wallet o Virtual US Account na ang pera, buksan ang Request Dashboard at i-tap ang Mark as Received.
- Magiging Overdue ang status kapag lumagpas na ang due date at hindi pa nagbabayad ang iyong client.
- Maaari mo pa ring i-follow up ang iyong client o gumawa ng bagong request kung kinakailangan.
Para sa clients o senders
- I-check ang sender, amount, due date, and payment method.
- Kung tama ang lahat, sundin ang instructions sa email para magbayad gamit ang:
- Send with GCash para sa Virtual US Account payments; o
- Isang supported remittance partner.
- Tapusin ang payment at itago ang iyong receipt o reference number.
Oo, maaaring may fees. Ang fees at FX markups ay itinatakda ng remittance provider o bank na gagamitin mo. Suriin ang kanilang fees at rates bago i-confirm ang payment.