GCash My Linked Payments
Paying online with GCash is easy, pero minsan mahirap tandaan kung saan naka-link ang account mo. Sa feature na ito, makikita at mamanage mo lahat ng automatic payments mo in one place.
Ano ang My Linked Payments?
My Linked Payments ay isang feature sa GCash app kung saan makikita mo ang lahat ng apps at websites na gumagamit ng GCash bilang payment method. Dito, pwede mong i-view at i-manage ang mga subscription mo sa isang place lang, without opening each app or site.
Key Benefits
- See Everything in One Place: Makikita mo ang lahat ng apps, websites, at merchants na naka-link sa GCash mo sa isang malinaw na list.
- Unlink with One Tap: Pwede mong tanggalin ang GCash mo sa kahit anong merchant direkta sa app. Hindi mo na kailangang buksan pa ang website ng merchant.
- Protect Your Money: Mapipigilan mo ang unwanted auto-debits. Ikaw ang pipili kung sino ang puwedeng mag-charge sa account mo at maiiwasan ang future recurring payments.
Paano tingnan ang linked accounts
Para makita kung aling merchants ang pwedeng mag-auto-debit mula sa wallet mo:
- Mag-log in sa GCash app mo.
- I-tap ang Profile > My Linked Payments.
- I-review ang list ng linked apps, websites, at merchants.
Paano mag-unlink ng merchant
Kung may subscription kang hindi mo na kailangan, o gusto mong pigilan ang merchant sa pag-auto-charge sa account mo:
- Buksan ang GCash app at i-tap ang Profile > My Linked Payments.
- Piliin ang merchant na gusto mong alisin, then i-tap ang Unlink.
- I-review ang details, then i-tap ulit ang Unlink.
Pagkatapos, makakakita ka ng confirmation screen at makakatanggap ka rin ng in-app message at SMS once na ma-unlink na ang merchant sa GCash account mo.
Important reminder
Kapag in-unlink mo ang isang merchant, hindi na sila makakapag-charge sa GCash account mo para sa future payments o subscriptions. Tatanggalin lang nito ang GCash bilang payment method mo. Hindi nito isasara ang account mo sa merchant.
Kung na-unlink mo ang merchant by mistake, pwede mo lang i-link ulit ang account mo sa susunod na gamitin mo ang app o website nila at piliin ang GCash bilang payment method.
Kung may tanong ka tungkol sa past charges o refunds, i-check ang refund policy ng merchant o kontakin sila directly.