Paano magbayad sa GLoan Negosyo
Pwede mong bayaran ang GLoan Negosyo dues mo sa pamamagitan ng GLoan Negosyo dashboard o sa pamamagitan ng aming payment partners.
Paano bayaran ang GLoan Negosyo dues mo
I-tap sa ibaba para makita kung paano ka pwedeng magbayad:
- Mag-log in sa iyong GCash for Business account.
- I-tap ang GLoan Negosyo.
- Piliin ang active loan mo > i-tap ang Pay Now.
- Kumpirmahin ang amount due.
- I-tap ang Pay with Merchant Wallet para makumpleto ang payment.
- Sa GCash app > i-tap ang GBills.
- I-search ang Fuse Financing Inc.
- Ilagay ang iyong GLoan Negosyo Loan Account ID bilang Reference Number.
- Kumpletuhin ang payment.
BPI at Metrobank
- Piliin ang Fuse Financing Inc. bilang biller.
- Ilagay ang iyong GLoan Negosyo Loan Account ID bilang Reference Number.
- Kumpletuhin ang payment.
Paalala: Ang mga bayad na ginawa sa GCash app o over-the-counter partners ay napo-post sa loob ng 1–3 business days.
FAQs
Parehong pwedeng magbayad ang authorized at non-authorized representatives, basta may access sila sa GLoan Negosyo dashboard at may sapat na pondo ang merchant wallet.
Mag-log in sa iyong GCash for Business account at pumunta sa GLoan Negosyo tab. Makikita ang mga susunod mong due dates sa GLoan Negosyo Dashboard, at makakatanggap ka rin ng email reminders bago ang bawat due date.
Mag-log in sa iyong GCash for Business account at pumunta sa GLoan Negosyo tab. Makikita ang iyong current loan balance sa GLoan Negosyo Dashboard.
- I-check ang loan status mo: I-review ang account mo para tingnan kung mayroon kang outstanding o past-due loan.
- Automatic collection: Awtomatikong ibinabawas ng GLoan Negosyo ang amount due mula sa wallet balance mo sa iyong due date.
- Kulang na pondo: Kung hindi sapat ang pondo mo sa iyong due date, patuloy na magbabawas ng bayad ang system sa sandaling magkaroon ng pondo sa merchant wallet mo hanggang sa mabayaran nang buo ang loan.
Kung kulang ang pondo sa iyong GCash for Business Merchant Wallet sa oras ng auto-deduction, lahat ng papasok na transactions sa wallet mo ay gagamitin para bayaran ang natitirang amount due hanggang sa mabayaran nang buo ang lahat ng dues.
Para mabayaran ang anumang natitirang dues sa iyong due date, awtomatikong ibabawas ang pondong natanggap sa pamamagitan ng mga sumusunod na transaction types:
- GCash for Business Merchant Wallet fund transfers
- QR incoming payments
- Visa at Mastercard incoming payments
Awtomatiko naming ibabawas ang monthly amount due mula sa iyong GCash for Business Merchant Wallet kung hindi mo mabayaran ang loan sa due date. Ang late payments ay papatawan ng late fee na humigit-kumulang 1% hanggang 5% ng Scheduled Principal Amount Due para sa bawat missed due date.
Maaaring dahil ito sa system maintenance, isang pansamantalang system error, o mababang wallet balance.
Bago subukan ulit:
- I-check kung may sapat na pondo ang merchant wallet mo.
- Siguraduhing stable ang internet connection mo.
- I-check ang GLoan Negosyo Dashboard mo para makumpirmang walang payment na na-post na.
Kung mag-fail pa rin ang payment, magbayad na lang sa pamamagitan ng GCash app via Pay Bills, o sa BPI o Metrobank. Pakilagay ang iyong Loan Account ID bilang Reference Number kapag nagbabayad ng loan.
Pakihintay ang normal posting time, lalo na para sa offline partner payments (hanggang 1–3 business days).
Kung hindi pa rin ito nagre-reflect, makipag-ugnayan sa merchantsupport@gcash.com kasama ang iyong loan account number, amount, petsa, at kung saan ka nagbayad. Makikipag-ugnayan sa iyo ang team namin sa loob ng 1–2 business days.
I-check ang iyong GLoan Negosyo transaction history para masigurong successful ang payment mo at na-post ito sa o bago ang due date mo.
- GLoan Dashboard payments: real-time
- Offline partners: hanggang 1–3 business days
Kung nasa tamang oras naman pero may nakikita ka pa ring penalty, makipag-ugnayan sa merchantsupport@gcash.com kasama ang iyong loan at payment details. Makikipag-ugnayan sa iyo ang team namin sa loob ng 1–2 business days.
Walang ibibigay na refund. Ang anumang sobrang amount ay gagamitin bilang advance payment para sa susunod mong due.
Mag-email sa GCash Merchant Support. Makikipag-ugnayan ang team namin sa loob ng 1–2 business days.
Mag-email sa GCash Merchant Support. Makikipag-ugnayan ang team namin sa loob ng 1–2 business days.
Para sa anumang payment issues na nangyari sa labas ng official GCash channels, makipag-ugnayan sa customer service department ng kaukulang payment partner para i-report ang issue at humingi ng tulong.