Ano ang GLoan Negosyo?
Ang GLoan Negosyo ay isang business loan sa GCash for Business portal na nagbibigay sa merchants ng mabilis na dagdag-puhunan para sa kanilang negosyo. Ang mga approved loans ay direktang ike-credit sa iyong GCash for Business merchant wallet.
Mga detalye ng loan
- Channel: GCash for Business portal
- Para kanino ito: GCash for Business merchants
- Loan amount: Hanggang PHP 2,000,000
- Term: Humigit-kumulang 1–24 months, depende sa offer sa iyo
- Disbursement: GCash for Business merchant wallet
Paalala:
Pwede kang magkaroon ng hanggang 5 active loans nang sabay-sabay, basta pasok pa sa iyong total credit limit.
Mga fees at charges
- Interest: 1.50%–6.99% bawat buwan (maaaring mag-iba depende sa offer)
- Processing fee: 1%–5% ng loan mo, na ibabawas nang upfront
- Late payment fee: 1% hanggang 5% ng Scheduled Principal Amount Due para sa bawat missed due date
Makikita mo ang eksaktong rates, fees, at monthly due sa loan calculator at loan confirmation screens bago mo i-submit ang application mo.