Paano i-link ang Google Pay sa GCash
Note:
Ang Google Pay ay para lang sa Android users.
Pwede mo nang gamitin ang GCash para magbayad gamit ang Google Pay! Ito ay unti-unting magiging available sa mga customers.
Para ma-link ang Google Pay, siguraduhin na Fully Verified ang GCash account mo, 18 years old ka pataas, at updated ang GCash app mo.
*Hindi available ang feature na ito para sa GCash Jr. o Overseas users.
Paano i-link ang GCash sa Google Pay:
-
Sa GCash app, pumunta sa Profile > My Linked Accounts.
- Piliin ang Google Pay > Add to Google Wallet.
- Tapusin ang verification at i-tap ang Next.
- I-tap ang Continue para payagan ang access.
- Sa Google Pay, i-tap ang Add to Wallet, basahin ang terms, at i-tap ang Continue.
- Hintayin ang account verification, tapos i-tap ang Accept.
- IMPORTANT: I-tap ang “Not now” kapag tinanong kung gusto mong gawing default ang Google Pay.
Pagkatapos, i-babalik ka sa GCash app na may confirmation.