Paano gumawa ng GCash US Virtual Account
Pwede ka nang makatanggap ng US dollar payments diretso sa GCash wallet mo gamit ang GCash US Virtual Account. Basahin kung paano gumawa ng account dito.
Requirements para gumawa ng account
- Dapat Fully Verified GCash user ka
- Philippine resident ka na 18 years old pataas
- Kumpleto ang GCash profile information mo
- May one valid Philippine government-issued ID ka
Paalala:
Isang US Virtual Account lang ang pwede mong i-link sa GCash. Sa ngayon, hindi pa supported ang pag-link ng multiple US accounts.
Paano magbukas ng GCash US Virtual Account
- Buksan ang iyong GCash app and tap View All.
- Tap US Accounts.
- Tap International Accounts > US Virtual Account.
- Tap Continue at i-review ang terms.
- Tap Proceed, i-fill out ang details mo, upload your ID, at mag-selfie scan.
- Tap Submit.
Pagkatapos ng ilang minuto, makakatanggap ka ng updates sa GCash app inbox at push notification. I-click ito and tap View Account Details para magsimula.
FAQs
Naka-hold ang aking US Account
Maaaring ilagay sa hold ang iyong US Account kung:
- Mas mataas kaysa karaniwan ang iyong deposit activity, o
- Kailangan pa namin ng karagdagang impormasyon para ma-verify ang isang bayad
Kapag nangyari ito, aabisuhan ka namin at maaari kaming humingi ng mga simpleng dokumento (hal., invoice o patunay ng bayad) para maibalik sa normal na paggamit ang iyong account.
Mga transactions na hindi pinapayagan sa US Account
Hindi mo maaaring gamitin ang iyong US Account para sa:
- Illegal goods or services
- Transactions involving sanctioned parties or countries
- Terrorist financing
- Adult or escort services
- Unlicensed gambling
- Unapproved cryptocurrency exchanges
- Shell companies or other restricted business activities