Delete GBonds account
Ang pag-close ng GBonds account mo ay final. Pag na-close na ito, hindi mo na ito pwedeng i-reopen at mawawala na ang access mo sa lahat ng data at pera sa loob nito.
Para ma-close ang GBonds account mo:
- Siguraduhin na zero na ang GBonds balance mo: I-sell lahat ng bonds mo at i-withdraw lahat ng pera mula sa GBonds account mo papunta sa GCash wallet mo.
- I-check kung tapos na lahat ng transactions: Pagkatapos magbenta, i-check ang GCash App Inbox mo o ang GBonds Transaction History para makumpirma na complete na lahat ng transactions.
-
Mag-request ng account closure
- I-fill out ang GBonds Account Closure Request Form.
- Pag na-fill out mo na, click here to contact support at i-attach ang form.
- Makikipag-coordinate ang team namin sa partner namin para ma-close ang account mo. Maaari itong umabot ng up to 30 days bago completely ma-process.