Create and Manage GCash for Business Branches
Gamitin ang guide na ito para i-register at i-manage ang mga business locations mo sa GCash for Business portal. Kumukuha ang bawat branch ng location at contact person, na kailangan kapag nagse-set up at nag-a-assign ng payment devices.
Paalala:
- Hindi na pwedeng i-edit o i-delete ang branches pagkatapos ma-create. I-double-check ang bawat details bago mag-submit.
- Dapat walang error ang buong file: Kung may kahit isang row na hindi pumasa sa validation, walang branches na magagawa. Ayusin ang errors sa file mo at i-re-upload ito.
Bago ka magsimula
Branch limits by wallet tier:
- Starter Wallet: Hanggang 1 branch
- Premium Wallet: Hanggang 10,000 branches
Buksan ang Branches page
- Mag-log in sa business.gcash.com.
- Sa left navigation panel, i-select ang Branches (o pumunta nang direkta sa business.gcash.com/branches).
Gumawa ng branches
Mag-tap ng method sa ibaba para makita ang step-by-step instructions:
Magdagdag ng isang business location nang paisa-isa gamit ang on-screen form:
- Sa Branches page, i-select ang Create your first branch (kung wala ka pang branches) o + New Branch (kung may existing branches ka na).
- Ilagay ang Branch Name at Branch Identifier.
- Piliin ang Province, City, at Barangay mula sa official dropdown lists. Awtomatikong malalagay ang Zip Code.
- Ilagay ang Street Address.
- Ilagay ang pangalan at contact number ng Branch Representative.
- Optional: Kung ibang tao ang tatanggap ng payment device o deliveries sa location na ito, i-uncheck ang This person will receive the device at ilagay ang pangalan at contact number ng receiver.
- I-review nang mabuti ang lahat ng detalye, tapos i-select ang Create Branch.
Magdagdag ng hanggang 500 branches nang sabay-sabay gamit ang Excel template sa halip na idagdag ang mga ito nang paisa-isa.
Ihanda ang iyong template
- Sa Branches page, i-select ang Create multiple branches (o Bulk Upload kung may branches ka na).
- I-select ang Download template para makuha ang latest .xlsx file. (Inirerekomenda ang Microsoft Excel para mapanatili ang built-in address dropdowns; pwedeng mabago ang formatting kung Google Sheets o ibang apps ang gamit.)
- Buksan ang file at pumunta sa Sheet 2 (Branch Details). (Tingnan ang Sheet 1 — READ ME para sa field reminders.)
- Simula sa Row 2 (panatilihing buo ang Row 1 headers), ilagay ang iyong branch details ayon sa field validation rules sa ibaba.
- Para sa addresses, piliin ang Province, City, at Barangay gamit ang built-in dropdowns—huwag mag-type o mag-abbreviate ng addresses nang mano-mano.
- I-save ang file sa .xlsx format (kahit anong filename ay tinatanggap, hanggang 10 MB at 500 rows).
Template rules para maiwasan ang errors:
- Huwag palitan ng pangalan o burahin ang sheet names o column headers.
- Huwag magdagdag, magbawas, o magbago ng pagkakasunod-sunod ng columns.
- Panatilihing buo ang dropdown columns (Province, City, Barangay, Zip Code).
I-upload ang iyong file
- Bumalik sa bulk upload screen sa Branches page at i-select ang attachment button para i-upload ang iyong .xlsx file.
- Kung may lumabas na file-level errors (maling file type, lumampas sa 10 MB, o higit sa 500 rows), ayusin ang file at i-re-upload.
- I-select ang Upload and create branches. Iva-validate muna ng portal ang buong file bago gumawa ng anumang branches.
- Panatilihing nakabukas ang page habang naglo-load ang file (pwedeng mag-fail ang buong batch kung isasara ang page habang nag-a-upload; hindi na pwedeng i-cancel ang uploads kapag na-submit na).
- I-confirm ang branch count sa pop-up window, tapos i-select ang Okay.
- Maghintay para sa completion message na nagkukumpirmang nagawa na ang branches mo.
Branch field reference and validation rules
Gamitin ang rules na ito para sa single branch creation at bulk uploads upang maiwasan ang validation errors:
| Field | Requirement | Rules & Character Limits |
|---|---|---|
| Branch Name | Required | Official branch name. Max 25 characters; walang special characters. |
| Branch Identifier | Required | Unique alphanumeric code. Max 15 characters; letters at numbers lang (walang special characters). |
| Province | Required | Piliin mula sa official dropdown list. |
| City | Required | Piliin mula sa official dropdown list (filtered by Province). |
| Barangay | Required | Piliin mula sa official dropdown list (filtered by City). |
| Zip Code | Auto-filled | Automatic na nalalagay base sa Province, City, at Barangay. |
| Street Address | Required | Max 100 characters. |
| Representative | Required | Buong pangalan ng branch representative. Max 50 characters. |
| Representative Contact Number | Required | Max 11 digits. |
| Receiver Name | Optional | Taong tatanggap ng devices/deliveries sa branch. Max 50 characters. |
| Receiver Contact Number | Optional | Max 11 digits. |