Ano ang GCash for Business wallet tiers at transaction limits?
Paalala:
Kung na-onboard ka sa GCash for Business bago ang September 1, 2026, ang Tier 2 wallet mo ay may parehong benefits ng Starter Wallet.
May dalawang wallet tier ang GCash for Business para sa mga bagong merchant: Starter at Premium. Ang wallet tier mo ang nagtatakda ng wallet limits, bilang ng branches at portal users, at mga available na product.
Wallet and Transaction limits
Ang mga sumusunod na limits ay effective simula September 1, 2026:
Wallet tier details
Important reminders
- Available balance lang ang pwedeng i-transfer. Chine-check ang bawat transfer batay sa natitirang limit mo bago ito ma-process.
- Ang monthly wallet limit ay ang total na perang pwedeng pumasok sa wallet mo sa loob ng isang calendar month.
- Free ang fund transfers sa banks at e-wallets gamit ang PESONet. Walang transfer fee.
FAQs
Pag nasagutan mo na ang mga tanong tungkol sa business profile mo, magsu-suggest ang portal ng wallet tier para sa business mo. Ikaw ang pipili ng tier na gusto mo.
Paano ito gumagana
- Minamarkahan ng portal ang isang tier bilang Recommended based sa mga sagot mo.
- I-click ang View More Details (ang ⓘ icon) para i-compare ang mga tier.
- I-click ang Choose Tier sa tier na gusto mong piliin.
Pwede kang pumili ng ibang tier kaysa sa Recommended. Siguraduhing pasok ka sa requirements ng tier na pipiliin mo.
Automatic na naa-apply ang limits based sa wallet tier mo. Hindi mo kailangang mag-submit ng bagong documents, dumaan sa additional verification steps, o magbayad ng bagong fees.
May sariling limits ang bawat wallet tier. Para magkaroon ng mas mataas na limit, kailangan mong lumipat sa mas mataas na tier at matugunan ang requirements nito.