Mag-18 na ang anak ko, ano mangyayari sa GCash Jr. account niya?
Kapag nag-18 years old na ang anak mo, makakakita sila ng prompt para sa bagong Terms and Conditions bilang adult.
- Open the GCash app.
- Kailangang i-accept ng BOTH parent AT child ang T&Cs sa kanya-kanya nilang GCash apps.
Kapag na-accept na, hindi na naka-link ang anak mo sa mobile number mo. Pwede na nilang gamitin ang GCash products and services tulad ng GStocks, GFunds, GCredit, at marami pang iba.
Kung hindi lumabas ang prompt ng T&Cs, i-update ang GCash app sa latest version at i-reopen ang app.