I-delete o isara ang GCash Jr. account
Kung i-request mong i-delete ang iyong GCash Jr. account:
Mawawalan ka ng access sa lahat ng serbisyo ng GCash, kabilang ang cards, insurance, savings, at investments.
Hindi ka na makakapag-log in o makaka-access sa iyong GCash Jr. account.
Made-delete ang iyong data pagkalipas ng limang taon, alinsunod sa batas (R.A. 9160).
Steps para i-delete ang iyong GCash Jr. account
Mag-log in sa GCash app.
I-tap ang Profile, pagkatapos ay i-tap ang iyong pangalan.
Mag-scroll sa ibaba ng Account Information page, pagkatapos ay i-tap ang Delete Account.
Sguraduhing nakumpleto mo na ang lahat ng kinakailangan, pagkatapos ay i-tap ang Delete Account.
I-tap ang Proceed. Ire-redirect ka sa Chat with Gigi. Sundin ang instructions.
Buksan ang GCash app.
Sa login screen, i-tap ang Help Center.
Sa search bar, i-type ang delete or close my GCash account.
I-tap ang link para buksan ang article.
I-tap ang Chat with Gigi, pagkatapos ay sundin ang instructions.
Privacy Notice: Ang impormasyong ibibigay mo ay gagamitin lamang para i-verify ang iyong identity at i-process ang iyong request na i-delete ang account. Kapag na-validate na namin ang iyong identity at nakumpleto mo na ang form, ipagpapatuloy namin ang pag-delete ng iyong GCash Jr. account.