Pwede ba akong magbukas ng eC-Savings GSave account?
Ang eC-Savings ay isang regular savings deposit account mula sa Cebuana Lhuillier Rural Bank na nagbibigay ng traditional at digital financial services. Wala itong minimum deposit o minimum maintaining balance.
Sino ang pwedeng magbukas ng eC-Savings account?
Pwede kang magbukas ng eC-Savings account kung ikaw ay:
- Isang Filipino citizen
- At least 18 years old
- Isang Fully Verified GCash user
- Walang existing account sa Cebuana Lhuillier Rural Bank
Paano magbukas ng eC-Savings account?
Sundan ang mga steps sa baba para magbukas ng eC-Savings account:
- Sa GCash app, pindutin ang GSave > eC-Savings by Cebuana Lhuillier Rural Bank.
- Piliin ang Open a Savings Account.
- Basahin at tanggapin ang Terms and Conditions, at pindutin ang Open a Savings Account.
Makikita mo ang confirmation page na nagsasabing successful ang pag-open ng eC-Savings by Cebuana Lhuillier Rural Bank account mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: