Hindi gumagana ang A+ Rewards e-voucher code
Kung ayaw gumana ng e-voucher code mo galing sa A+ Rewards, i-check muna ito:
Double-check the code:
Ulitin ang pag-check ng code. I-type ulit ito para siguradong walang typographical errors. Ingat sa magkamukhang characters gaya ng number "0" at letter "O".Check the code’s validity:
Siguraduhing hindi expired ang e-voucher at natutugunan mo lahat ng requirements para ma-redeem ang voucher.Troubleshoot the GCash app:
Kung sa GCash mo ginagamit ang A+ Rewards voucher, pwede mong subukang i-troubleshoot ang app.
Pagkatapos sundin ang mga ‘to, ilagay ulit ang code at subukang i-apply ulit.